
Pagsuot ng Facemask sa loob ng bahay dapat isagawa

MANILA, Philippines — Sakabila nang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagsuot ng facemask kahit nasa loob ng bahay para maprotektahan ang mga may edad, ayon kay National Task Force Against COVID-19 (NTF) Consultant Dr. Ted Herbosa.
“So ang advise nga ng DILG kahapon ay mag-mask na rin kahit nasa loob ng bahay para maprotektahan natin ‘yung mga may edad,” paliwanag ni Herbosa sa isang interbyu sa Dobol B TV ng GMA Network.
Sa mga nagdaang pag-uulat ng OCTA Research, sinabi ni Dr. Guido David, madalas silang nakatatanggap ng mga report ng mga nagpositibo sa COVID-19 na nakukuha ang pag-transmit ng virus mismo sa loob ng bahay kung saan ang mga miyembro ng bawat pamilya ay mabilis na nahahawaan ng virus.
Matatandaan din nitong Agosto 2020, sinabi ni DILG Eduardo Año na kanilang pinaalalahanan ang bawat pamilya na magsuot ng facemask kahit nasa loob pa ng kani-kanilang bahay upang mailayo sa banta ng virus ang bawat miyembro ng pamilya.
Nitong Sabado lamang ay nakapagtala ng 5,000 bilang ng bagong kaso ng COVID-19. Ito ang highest reported new cases sa loob ng pitong buwan, na umabot na sa 616,611 ang kabuoang kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Sabado, Marso 13.
Aniya ni Herbosa, nakababahala ang ganitong pag-spike ng COVID-19 infections na mabilis na nakakapag-mutate ang virus sa katawan ng tao na mahahawaan nito. #DM
Sakabila nang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa malaking bahagi ng Metro Manila, inirekomenda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagsuot ng facemask kahit nasa loob ng bahay para maprotektahan ang mga may edad, ayon kay NTF Consultant Dr. Ted Herbosa. pic.twitter.com/tqsa46QLxz
— Diyaryo Milenyo Digital News (@diyaryomilenyo) March 14, 2021