
INARESTO ang billiard champ na si Efren ‘Bata’ Reyes ng mga otoridad dahil sa paglabag diumano nito sa health protocol habang naglalaro ng billiard sa San Pablo, Laguna nitong Linggo, Marso 14.
Makikita sa kumalat na video sa social media na si Reyes at ang mga kasama nito ay inaresto rin at hinarap sa barangay officers.
Mahigpit na pinagbabawal ang pagsaagawa ng kahit anong palaro sa bawat komunidad alinsunod sa health protocols na ipinatutupad ng bawat lokal na pamahalaan.
Ayon sa ulat, si Reyes ay senior citizen, ibigsabihin hindi pinahihintulutan ang mga matatanda na magtungo sa labas ng bahay maliban na lamang kung ito ay kinakailangan o for essential activities.
Bukod dito, hindi rin nakasuot ng facemask ang billiard champ.
Nitong nakaraang taon, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), pinahihintulutan lamang nila ang mga sport na non-contact gaya ng badminton at tennis sa mga lugar na under ng general community quarantine. #DM
0 comments on “Efren ‘Bata’ Reyes inaresto dahil sa paglabag nito sa health protocol sa Laguna”