Entertainment

Ivana Alawi sa kanyang vlog post na “Pranking Strangers On the Street” humakot ng magagandang papuri

HANGGANG saan nga ba nasusukat ang pagiging matulungin ng isang Pilipino sa kanyang kapwa lalo na sa mga pulubi sa lansangan na madalas ay ating hinihindian na abutan ng kaunting tulong dahil sa kanilang panlabas na kaanyuan.

Muli na namang pinatunayan ng actress/endorser na si Ivana Alawi ang pagtulong sa kapwa ay hindi lamang nagsisimula at natatapos sa kung ano lamang ang kayang iabot ng bawat isa sa atin bagkus kung paano natin tratuhin ang isang pulubi sa lansangan na namamalimos ng barya o humihingi ng makakain.

Marami ang tumulong sa kaawa-awang hitsura ng aktes sa kanyang pagpapanggap bilang isang pulubi na naligaw sa Maynila na nagpanggapa na siya ay galing pa sa Baguio. Hindi sukat akalain ng actress na may mag-aabot sa kanya ng barya para masuklian ang pagtulong sa kaniya ng mga tao sa paligid. Hindi naman siya agad nakilala ng mga tao dahil sa hitsura nito.

Pinaka nakakapukaw ng damdamin ay ang matandang lalaki na nagtitinda ng puto’t kutsinta na nilapitan g actress bilang isang pulubi. Makikita sa video na lubos ang pagtulong ng matandang lalaki kay Ivana na animo’y ramdam ni manong ang sinapit ng kaawa-awang pulubi na si Ivana Alawi. Agad niya itong binigyan ng P20.00 at binigyan pa ng kanyang mga paninda ang actress upang makakain ito. Tinanong siya ni manong kung tagasaan nga ba ang pulubing Ivana at kung bakit siya napadpad sa lugar na kinalalagakan ng matanda. Halata kay manong ang pag-aalala nito kay Ivana. Dahil dito, nagustuhan ni Ivana ang pagtanggap sa kaniya ni manong na kahit siya ay isang pulubi lamang ay hindi siya pinagdadamutan ng matanda at habang nagbibilang ito ng kaniyang kinita sa maghapong pagtitinda ng puto’t kutsinta. Dahil sa taus-pusong pagtanggap at lubos na pag-aalala sa kaniya ni manong ay hindi na napigilan ng actress ang kaniyang pagluha at ito ay inabutan niya ng tulong. Taga Muntinlupa si Manong, may asawa at may nag-iisang anak.

Umani na sa mahigit 7 million views ang naturang video ni Alawi mula ng ipost niya ito sa kaniyang official YouTube channel kahapon, Marso 14.

Mapapanood sa video ang iba’t ibang natatanging pagtulong ng mga ordinaryong Pinoy na nag-aabot ng barya sa actress. Hindi naman nabigo si Alawi sa kaniyang ginawang social experiment at ang lahat ng mga taong tumulong sa kaniya ay hindi nila inakala na ang babaeng pulubi ay ang nag-iisang Ivana Alawi.

Sa kanyang video, sinabi ng actress na kung sino man ang magbibigay sa kanya ng tulong at hindi siya itataboy gagantimpalaan niya ang mga ito. Sa mga makapagbibigay ng P5.00 katumbas na halaga na kanyang ibibigay ay P5,000; kung P10.00 ang iaabot naman, P10,000 ang ibibigay nito; at kapag P20.00 naman ay aabutan niya ito ng P20,000. Bagay na kaniyang ginawa.

Hindi raw makakalimutan ng aktres ang panandaliang pakikipag kwentuhan nito sa kanyang mga natulungan at ang aral na natutunan niya sa vlog na ito. Aniya, marami pa rin ang mga taong nais tumulong at believe ang actress sa mga taong nakagagawa ng kabutihan sa kapwa, maliit man o malaking pagtulong ay tulong pa rin na maituturing. Kaya naman, saludo ang Diyaryo Milenyo sayo Ma’am Ivana Alawi. God bless you more!

Advertisement

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Ivana Alawi sa kanyang vlog post na “Pranking Strangers On the Street” humakot ng magagandang papuri

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: