Vaccine Passport kakailanganin sa hinaharap

Read Time:1 Minute, 16 Second
image: sign.org

SINUSULONG ngayon ang isang panukala sa pagpapatupad ng Vaccine Passport para sa mga lokal na turista na magagamit sa hinaharap ayon kay Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa isang interbyu nito sa Summit Sandwich Sessions.

Ayon kay Romulo-Puyat, ang inisyatibong ito ay kinokonsidera ng ahensya para sa mga local tourist sa pag-asa na ito ay maisagawa kapag magsimula ng mag-roll out ang COVID-19 vaccination sa bansa.

“Definitely, anything that will promote ease of travel, we are for. In fact, other countries have already been talking about the vaccine passport,” saad ni Puyat.

Maging ang iba pang lokal na pamahalaan ay kinokonsidera rin ang proposal na ito na magre-require sa lahat ng local travelers na makapagsumite ng digital document katunayan ng kanilang vaccination status, naka-indicate ang mga petsa kung kailan sila nabakunahan.

Ang nasabing vaccine passport ay hindi lamang para gamitin sa international boarders kundi, magsisilbi itong basehan sa mga commercial establishments gaya sa sa sinehan, mga hotel, malls at restaurant.

Aniya, dapat ay maipatupad pa rin ang quarantine requirements, maging ang minimum public health standards gaya ng social distancing, frequent disinfections, at ang pagsuot ng facemask at face shield ay kinakailangan.

Maging ang mga Balikbayan mula sa Unites States na nakatanggap na ng bakuna ay kinakailangan sumunod sa 14-day quarantine period kung sakaling bibisita sila sa Pilipinas. Patuloy itong pinag-aaralan ng pamahalaan at maging ang ibang bansa na umaasang maisusulong ito sa hinaharap. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Pagsuot ng Facemask sa loob ng bahay dapat isagawa
Next post Efren ‘Bata’ Reyes inaresto dahil sa paglabag nito sa health protocol sa Laguna
%d bloggers like this: