Netizens kay Harry Roque; dapat ipakita ang swab test result

image: philnews.ph

HINAHANAPAN ng mga Pinoy sa social media na maglabas ng proof o pagpapatunay ng swab test result ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngunit ang panawagang ito ay hindi sinang-ayunan ng Palasyo.

Ito ay matapos na ianunsyo ni Sec. Harry Roque sa kaniyang press briefing nitong Lunes, Marso 15 na siya ay nagpositibo sa COVID-19.

Aniya ng Palasyo, nagpa-swab test si Roque nitong Linggo na bahagi ng kaniyang routine bago dumalo sa mga pagpupulong. Mailang beses na rin siya nagpapa swab testing at halos 35 RT-PCR tests na ang kaniya pinagdaanan mula ng ma-reappointed siya bilang tagapagsalita ng Pangulo.

“So, talagang it came as a surprise and a shock, it’s not just a shock na after about 35 tests eh nag-positive tayo. Pero sa akin po, almost routine na ito na on a Sunday afternoon, preparatory to the Monday evening meeting with the President, nagpapakuha na ng RT-PCR test,” saad ni Roque.

Sinabi rin ni Roque na siya ay asymptomatic at ngayon naka self-isolate siya sa kaniyang opisina.

Sa magkaperahong araw, nag-self quarantine naman si Pasig Mayor Vico Sotto dahil siya raw ay na-exposed sa isang pasyenteng namatay ng dahil sa COVID-19 na kaniyang nakasalamuha. Matapos mabatid ang swab test results, siya ay nag negatibo sa naturang virus.

Ipinoste naman ni Sotto ang screenshot ng kaniyang RT-PCR test na kaniyang sinagawa sa Pasig City Children’s Hospital. (Ni Rex Molines)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.