SOUTH COTABATO, Philippines [R12] –– Daan-daang mga residente, kasama na ang mga magsasaka, sa isang barangay sa Koronadal City ang nakaramdam ngayon ng ginhawa dahil sa pag-kongkreto ng daan na may haba na 1.87–kilometro doon.
Sa isang post sa official Facebook page ng DPWH (Department of Public Works and Highways) Region XII, sinabi ni Secretary Mark Villar na ang nasabing “road concreting project” sa Barangay San Jose, partikular na sa Purok Apostol–Tinago Road ay ipinatupad at kinumpleto ng DPWH–South Cotabato 2nd District Engineering Office (DEO).
Ayon kay Secretary Villar, ang pag–kongkreto sa nasabing daan ay suporta ng gobyerno sa “local agri–processing activities” sa Barangay San Jose at magpapabilis sa biyahe ng mga produkto papunta sa mga sentrong–merkado sa Koronadal City.
Ang Koronadal City ay kilala na “regional center” ng Region 12.
Naniniwala si Secretary Villar na ang bagong–semento na daan doon ay magbibigay ng ginhawa at ligtas na biyahe para sa mga residente at mga motoristang dumadaan sa nasabing lugar.
Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P29.4–Milyones na pinondohan sa ilalim ng DPWH Infrastructure Program para sa fiscal year 2020. (Photo credit to DPWH)
by Rashid RH. Bajo

Share this:
Like this: