
PINAHAYAG ni dating Senador Antonio Trillanes IV kahapon, Huwebes 18, ang suporta nito at ng Magdalo party list para sa nabuong koalisyon na “1Sambayan” na naglalayong lumikha ng pinagkaisang opposition ticket sa darating na halalan 2022.
Si Trillanes ay kilala bilang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga batas at polisiyang ipinatutupad ng Pangulo buhat ng mailuklok ng taumbayan sa pagka-Pangulo. Nais ni Trillanes na mapataob nito ang kasalukuyang administrasyon sa darating na Halalan 2022. Aniya, hindi na ito para sa usaping pamumulitika o pagtlbatikos sa Pangulo kundi ang tutukan ang pinakamahalagang usapin ngayon kung paano natin itataguyod at mapaangat ang ating bansa dulot ng pandemya sa pamamagitan ng tapat na pamumuno.
“The Magdalo group is supporting the 1Sambayan coalition. Ensuring the defeat of this murderous, corrupt and incompetent regime in 2022 is not just a matter of politics. It’s a matter of survival for our country,” paglalahad ni Trillanes sa kanyang pinoste sa social media account nito.
“Helping in the pandemic and preparing for our country’s future are not mutually exclusive advocacies. These days, one should be able to multitask with ease,” dagdag pa ni Trillanes
Ang nasabing bagong koalisyon ay pinangungunahan ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio, layunin nito na bumuo ng single slate of national candidates for president, vice president, and 12 senators na tatakbo laban sa mga successor ni Pangulong Duterte at sa iba pang katunggali sa darating na halalan.
Napipisil din ng kanilang hanay na maaaring tumakbo sa pagka-Pangulo o Ikalawang Pangulo si Trillanes.
Ang iba pang kanilang napipisil ay sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, Senador Nancy Binay at si Sen. Grace Poe para sa pagka-Pangulo. Aniya, bukas naman sila sa mga suhestiyon at nominasyon kung sino pa ang maari nilang idagdag sa kanilang hanay sa pagka-Pangulo ng bansa sa 2022.
Bukod kay Carpio, suportado rin ang 1Sambayan ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales, former Education secretary Armin Luistro, former Foreign Affairs secretary Albert del Rosario, former Commission on Audit commissioner Heidi Mendoza, National Union of People’s Lawyers chairman Neri Colmenares, Magdalo party-list, at ng ilang labor groups at iba pa.
Sakabila nito, sinabi ni Senador Manny Pacquiao na hindi ngayon ang panahon para pag-usapan ang pulitika, bagkus kung paano haharapin ang pinaka malaking dagok at epektong idinulot na takot at pagkawala ng mga buhay dahil sa COVID-19. Aniya, pagtulong sa kapwa at mga nangangailangan ang higit at dapat pinagtutuunang pansin at unahin higit sa sariling pang-interes lamang. #DM