Easterlies magdadala ng ulan at thunderstorm sa Pililipnas

INIHAYAG ng PAGASA ngayong Sabado, Marso 20, na makararanas nang mainit-init na hangin mula sa Pacific Ocean o Easterlies na siyang makakaapekto sa bansa sa darating na mga araw.
Sa nakalipas na pag-uulat, sinasabi na ang Easterlies ay magdadala ng bahagyang maulap na kalangitan na may kasamang pagbuhos ng malakas na ulan at thunderstorm sa buong Kalakhang Maynila at sa ilan pang bahagi sa bansa.
Nagbigay paalala na rin ang ahensya sa mga residente na posibleng maapektuhan ng pagbaha at landslides kung sakaling magkaroon ng severe thunderstorm.
Samantala, nakapagtalaga ang PAGASA sa kanilang tanggapan sa Science Garden ng Diliman Quezon City ngayong araw ng minimum temperature na 24.5C nitong alas 5 a.m ng umaga at maximum temperature na 30.8C kaninang ala-1:50 p.m. #RBM