
NPC, walang pagsang-ayon sa anumang koalisyon laban sa administrasyong Duterte

HINDI sinang-ayunan ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ang anumang koalisyon o grupo na nagkakaisa para mapataob ang administrasyong Duterte sa darating na Halalan 2022, ayon kay Senate President Vicente Sotto II kahapon, Biyernes, Marso 19.
Aniya, anumang koalisyon ang pilit na binubuo ng mga nag-aasam na mapabagsak ang administrasyong Duterte ay hindi p isinasaalang-alang ng NPC, maliban sa PDP-Laban.
“NPC is not considering any coalition at this point outside of our coalition in Congress with the PDP-Laban,” pahayag ni Sotto, ang highest elected member ng NPC.
Matapos itong mabalitaan ni Sotto na mabuo ang koalisyon na 1Sambayan nitong Huwebes (Marso 18), na pinamumunuan ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na nagnanais makabuo ng pinagkaisang unified opposition ticket para sa pagka-Pangulo, ikalawang Pangulo at 12 senador na tatakbo laban sa administrasyong Duterte.
Samantala, ang Liberal Party ay bukas para sa usaping ito ngunit kanilang klinaro na ang kanilang grupo ay wala pang opisyal na napipisil para tumayo sa pagka-Pangulo sa darating na Mayo 2022.
Dagdag pa ni Sotto na hindi dapat ito pinag-uusapan sa ngayon. Mag-focus na lang muna sa pagtulong at pagtugon sa mga higit na nangangailangan ng tulong dulot ng lumalalang pandemya sa bansa. #DM