[Ni H. Calbario]

MANILA, Philippines – Gaya ng nakaraang taon, wala na munang prusisyon na isasagawa at kahit anong religious activities para sa paghahanda ng Simbahang Katolika ngayong Holyweek dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa nakalap na impormasyon, kinansela ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP’s public affairs committee ang pagsasagawa ng prusisyon sa mga Simbahan ito ay para mailayo sa banta ng virus ang mga mananampalatayang katoliko sa bansa.
Batid naman ng karamihan na ang ganitong panahon ng Kwaresma ay talaga namang pinaghahandaan ng lahat at isa nga rito ay ang pagpunta sa mga Simbahan sa iba’t ibang lugar.
Sinabi rin ni Secillano na ang Simbahan ay istriktong ipinatutupad ang pagtanggap ng mga mananampalataya na mayroon lamang 30% percent capacity ang maari nilang tanggapin sa loob ng simbahan. #DM
0 comments on “Prusisyon ngayong Holy week, bawal muna – CBCP”