
Voter Registration hours paiiksiin ng Comelec
[Ni Rex B. Molines]

PAIIKSIIN ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration hours ng dalawang (2) oras simula ngayong Lunes, Marso 22 hanggang Abril 4 dahil sa patuloy na pagtaas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa Comelec, ang voter registration ay isasagawa tuwing Lunes hanggang Huwebes mula alas- 8 a.m. ng umaga hanggang 3 p.m. ng hapon at ang issuance ng voter certification ay hanggang alas 5 p.m. ng hapon lamang. Ito ay para maisagawa ang disinfection operations ng Biyernes.
Samantala, inanunsyo rin ang pag-suspende ng operasyon sa mga satellite registration sa mga barangay hall, daycare center, covered court, at sa iba pang mga satellite offices nationwide.
“Wearing of face mask and face shield is mandatory. To minimize physical contact, the accomplishment of the application form and setting of appointment via irehistro.comelec.gov.ph is encouraged,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez.
Dagdag pa ni Jimenez na ang mga may appointment sa mga araw kung saan ay hindi magsasagawa ng voter registration ay kailangang makipag-ugnayan ang mga ito sa kanilang OEO para sa instructions o pagre-rebook ng kanilang appointment. #DM
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
1000-Piso Polymer Banknotes, available nang mawi-withdraw sa maraming ATM’s sa bansa – BSP
Mas marami ng 1000-piso polymer banknotes ang maaaring ma-withdraw sa iba’t ibang automated teller machines (ATMs) sa buong bansa,...
Isang Baldadong lalaki sa Naic Cavite, nananawagan ng Tulong Medikal dahil sa kanyang Kondisyon
Ni Rex Molines NAIC, CAVITE: Nananawagan ngayon ng tulong ang isang concern citizen para sa kanilang kapitbahay na si sir...
HONESTY FRUIT STORE NG GWARDIYA, PATOK SA MASA
Ni Sid Samaniego NOVELETA, CAVITE: "Kumuha ka ng naaayon sa kagustuhan mo at timbangin mo ayon sa sukat na nais...
Mga Magsasaka, Ikinababahala ang imported na Sibuyas
Nababahala ngayon ang mga magsasaka ng sibuyas dahil sa pag-angkat ng imported na sibuyas ng Department of Agriculture (DA) ng...
AMERIKANONG ENGINEER, NAMAHAGI NG PAGKAIN SA MGA PRESO
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Dugong-Kano pero may Pusong-Pinoy ang nananalaytay sa pagkatao ng 55 anyos na Software Engineer na...
815 na Sink Hole sa Boracay, Pinangangambahan
"Nakaka-alarma" Ito ang pagsasalarawan ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron matapos makitaan ng 815 na sink hole sa isla ng...