16–kilometro na road network project ng DPWH na magdudugtong sa SOCCSKSARGEN papunta sa Davao Region malapit ng matapos

Read Time:1 Minute, 17 Second

[From Rashid RH. Bajo]

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

KORONADAL CITY, Philippines –– Kinumpirma ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Director Basir M. Ibrahim na ang konstruksyon ng 16.40–kilometro na haba ng kongkretong–daan na magdudugtong sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN South Cotabato [North] Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani and General Santos City) sa Davao Region, sa pamamagitan ng bayan ng Matanao sa probinsya ng Davao Del Sur, ay malapit ng matapos.

Sa pinoste nitong opisyal na pahayag sa kanyang Facebook page, sinabi ng DPWH Region XII na ang nasabing “road network” (Koronadal–Lutayan–Columbio–Matanao) ay nagsimula sa bayan ng Lutayan at magtatapos sa bayan ng Columbio sa probinsya ng Sultan Kudarat ay “99.06 complete” na.

Ayon sa DPWH XII, bilang isang alternatibong rota, magbibigay ito sa mga magsasaka at mga negosyante ng “expanded economic opportunities” (or malawak na mga oportunidad sa ekonomiya) dahil sa mga benepisyong ihahatid sa kanila ng nasabing bagong–rota.

Sinabi ng nasabing ahensya na mula sa “four hours and ten minutes” na biyahe papunta sa Davao Region, magiging “two hours and 20 minutes” na lamang ito dahil sa alternatibong–rota.

Inaasahan na mas lalo pang sisigla ang turismo ng bayan ng columbio dahil sa pagdagsa ng mga lokal at mga banyaga na turista dahil sa road network project ng DPWH.

Kilala ang bayan ng Columbio dahil sa pamoso nitong “tourist spots,” tulad ng “La Palmera Mountain Ridge, Fetam Klego Waterfalls, Underground River, Tabong Falls at Bansuing Falls.”

Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng P1.1–bilyones. (Photo credit to DPWH XII)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post WHERE HAVE ALL THE SAMPAGUITAS ONE
Next post Mining firm SMI produces more than 700 professionals through its community scholarship program

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d