
Cash Aid sa gitna ng GCQ hindi sinang-ayunan ng Palasyo
[Ni Rex B. Molines]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
MANILA, Philippines — HINDI sinang-ayunan ng Palasyo na magbigay muli ng panibagong government aid o cash aid para sa mga Pinoy na apektado ng pandemya bunsod ng lumalalang kaso ng COVID-19 at paghihigpit ng quarantine rules sa Metro Manila at mga karatig probinsya.
Sinabi ni Presidential Spokesman Herminio L. Roque Jr. na hindi nila magagawang magbigay ng aid assistance dahil pinapayagan naman magpatuloy sa trabaho ang lahat.
Aniya, ang mga existing subsidies ay sapat lamang para sa pagtulong sa mga mas nangangailangan. Ang mga lokal na pamahalaan ay may kani-kaniyang diskarte kung paano makatutulong sakabila ng kanilang pagpapatupad ng granular lockdown.
Samantala, sinuspinde na ng pamahalaan ang mga nagsasagawa ng driving schools, maging ang mga sinehan, video and interactive game arcades, cultural centers, mga establisimiyento na accredited ng Tourism department.
Kinokonsidera rin ng pamahalaan na ang lahat ng manggagawa sa mga pribadong kumpanya bilang “essential workers.” Dagdag pa ni Roque na ang mga bumabiyahe na mga manggagawa ay exempted sa curfew basta magpapakita lamang ng company ID kung sakaling sitahin sa kani-kanilang uuwian.
Nagpahayag ng saloobin si dating Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo na kinakailangan ng mga maliliit nating mga kababayan na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya na makapgbigay ng cash aid kahit na walang spike sa pagtaas ng kaso ng virus at sa panibagong restrictions order na ipinatutupad sa buong kalakhang Maynila at mga kalapit na probinsya.
“Government support is one problem… But the main problem remains a lockdown mentality to control the pandemic instead of mass testing, increasing contact tracing and treatment.” Pahayag ni Taguiwalo. #DM