GM So, San Miguel Corp, sponsors sa pro-chess league

[Ni Harcee Sarmiento]

Grandmaster Wesley So Photo by Maria Emelianova of Chess.com

Sa kabila ng pagiging US Citizen, buo pa rin ang suporta ni Grandmaster Wesley So sa propesyunal na torneo ng chess na kasalukuyang umuusad dito sa bansa.

Sa nalalabing araw bago ang playoffs sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP), inilahad ng pamunuan nito na ipapangalan sa World Fischer Random Champion at tubong Cavite woodpusher ang susunod na komperensiya, at tatawagin itong Wesley So Cup.

“Aside from lending his name, So likewise personally pledged to provide the funds for the event’s cash prizes,” sabi ni PCAP President-Comminsioner Atty. Paul Elauria.

Samantala, pinasalamatan din ni Atty. Elauria ang San Miguel Corporation (SMC) sa pangunguna ni President at COO Ramon Ang na nagpaabot din ng kanilang suporta sa nasabing liga.

Advertisement

Binubuo ang PCAP ng mga kilalang manlalaro gaya nina multiple time Philippine champion at former World Senior Champ na si GM Joey Antonio, GM Julio Catalino Sadorra, GM John Paul Gomez, kasama ang mga iba pang unrated chess players sa bansa.

Layunin ng PCAP na mabigyan oportunidad ang mga manlalaro ng chess sa bansa na maipakita ang kanilang talento sa propesyunal na liga lalo na ang mga nasa grassroots level.

Magaganap ang playoffs ng PCAP 1st Conference ngayong Huwebes, Marso 24 hanggang Abril 4 kung saan kokoronahan ang unang kampiyon ng liga. #DM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.