DPWH nagpatayo ng P18 Million na flood control structure para protektahan ang mga residente kontra sa tubig–baha sa Tacurong City

[By Rashid RH. Bajo]

SULTAN KUDARAT, Philippines [R12] –– Protektado na ngayon laban sa tubig–baha kung panahon ng tag–ulan ang libo–libong mga residente, kasama na ang daan–daang mga magsasaka at ang kanilang mga sakahan [farmlands], na nakatira malapit sa sikat na tourist spot na “Baras Bird Sanctuary” sa Barangay Baras sa Tacurong City dahil sa P18–Milyones na halaga ng ipinatayong “flood control structure” ng Department of Public Works and Highways [DPWH) sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Ayon sa pinosteng report ng DPWH XII sa kanyang opisyal Facebook page, sinabi nito na ang 200 lineal meters na flood control structure ay ipinatupad ng tanggapan ng Sultan Kudarat 1st District Engineering Office [SK 1st DEO] na nakabase sa bayan ng Isulan, kung saan kilala na “capital town” ng probinsya.

Ayon sa DPWH XII, ang layunin ng pagpapatayo ng nasabing proyekto ay “to stabilize river wall and safeguard lives, properties and crops from flood water and soil erosion during rainy season.”

Noon, pinoproblema ng mga residente sa Barangay Baras at mga kalapit–barangay nito ang tubig–baha pag bumubuhos na ang malakas at patuloy na ulan. Pero ngayon, hindi na dahil protektado na sila ng ipinatayong flood control dike ng DPWH.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga residente sa DPWH dahil sa pagtugon sa kanilang problema.  

“Salamat talaga sa DPWH at nagpatayo sila ng dike dito na makakapagbigay kalutasan sa aming problema pag panahon ng tag–ulan,” sabi ng 58–anyos na residente na si Manong Loreto sa interbyu sa kanya ng Diyaryo Milenyo.

Ang “Baras Bird Sanctuary” ay isa sa mga ipinagmamalaki ng Tacurong City. Kada buwan, libo–libong mga turista, lokal at banyaga, ang pumupunta sa nasabing sanctuary para makita ang mahigit 20,000 na sinasabing “migratory birds” na mula pa sa ibat–ibang mga bansa.

Ang nasabing bird sanctuary ay matatagpuan sa tabi ng Baras river at mga tubigang–bahagi ng lugar. (Photo credit to DPWH XII) #DM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.