Photo News

“Handog mula sa puso” na programa ng probinsya ng Sultan Kudarat nagpasaya sa isang ina na nalulungkot

[By Abdul Campua]

SULTAN KUDARAT, Philippines –– Alam ba ninyo kung bakit patuloy na umaani ng suporta at pagmamahal mula sa mga tao sa probinsya ng Sultan Kudarat sila 1st District Congresswoman Bai Princess Rihan Mangudadatu Sakaluran at Governor Suharto “Teng” Mangudadatu, PhD?

Ito ay dahil ang handog nilang mga serbisyo ay mula sa puso. Serbisyo na may halong pagmamahal at pagpapahalaga sa mga residente ng probinsya.

Ang probinsya ng Sultan Kudarat ay kilala na isang “Christian–dominated province” sa rehiyon ng Central Mindanao at tanyag sa mga magagandang istraktura na ipinatayo ng kasalukuyang–liderato at mga “libreng–serbisyo” na ipinapatupad nila para sa mga residente doon.

Isa si Clarice Norberte ang makakapagpatunay sa sinasabing “handog mula sa puso” na serbisyo nila Congresswoman Sakaluran at Governor Mangudadatu.

Ayon kay Clarice, nagbakasali ito na sumulat kay Congresswoman Sakaluran. Ang kanyang sulat ay naglalaman ng isang “hiling” lamang at ang nasabing “hiling” nito ay para sa kanyang ina na hindi na makalakad.

Ang nasabing “hiling” ni Clarice ay repleksyon ng kanyang pagmamahal sa kanyang ina, kung saan nagkasakit ito at naging sanhi ng kanyang walang kakayahang tumayo at lumakad ng mag–isa.

Mahal na mahal ni Clarice ang kanyang ina at gusto nito na mapasaya at maging komportable ito sa kanyang kalagayan. Ang nasabing hangad nito ay hinadlangan ng kahirapan pero dahil sa determinasyon nito, hindi ito nawalan ng pag–asa dahil alam nito na ang kanyang hihingian ng tulong ay mga taong may mga puso.

Sumulat ito kay Congresswoman Sakaluran upang humiling ng isang “wheelchair” para sa kanyang ina na hindi makalakad. Isa at natatanging hiling na alam nitong magpapangiti sa puso ng kanyang ina sa kanyang 57th birthday noong February 19.

Sa araw ng kaarawan ng kanyang ina, nabigla ito ng bumungad sa harapan ni Clarice at ng kanyang ina si Congresswoman Sakaluran, kung saan may dala itong mga regalo para sa kanyang ina. Walang nagawa si Clarice kundi ang umiyak na lamang dahil hindi ito makapaniwala na sosorpresahin sila ni Congresswoman Sakaluran ng araw na yun.  

Unang ibinigay ni Congresswoman Sakaluran ang “wheelchair” para magamit kaagad ng kanyang ina na si Nora Marciano Norberte. Habang masayang nakaupo ang kanyang ina sa wheelchair, inabot naman sa kanya ni Congreswoman Sakaluran ang “bouquet of flowers” at sabay bati ng “happy birthday” sa kanya ng kongresista.

Maliban sa magandang mga bulaklak at cake, niregalohan din ni Congresswoman Sakaluran si Manang Nora ng “food packs” at cash na tulong para sa kanilang mag–ina. Nang mga oras na ‘yun, wala ring nagawa si Manang Nora kundi ang umiyak dahil sa sobrang–tuwa.

Sinabi ni Congresswoman Sakaluran kay Manang Nora na ang wheelchair at mga biyaya na natanggap nito ay bahagi ng “handog mula sa puso” na programa nila ni Governor Mangudadatu.  

Kahit isang taon na ang nakalipas, hanggang ngayon nakatatak pa rin sa mga puso nila Clarice at Manang Nora ang nangyari.

Para kay Clarice, ang pagtupad nila Congresswoman Sakaluran at Governor Mangudadatu sa kanyang hiling ay mananatili sa kanyang puso habang ito ay nabubuhay. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on ““Handog mula sa puso” na programa ng probinsya ng Sultan Kudarat nagpasaya sa isang ina na nalulungkot

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: