
1M COVID-19 confirmed cases sa Pinas maaring matamo; 740k cases posible bago matapos ang Marso – OCTA Research
[Ni Rex Molines]

IPINAHAYAG ng OCTA Research group ngayong Sabado, Marso 27, na aabot sa 1 million confirmed COVID-19 cases ang Pilipinas, subalit may posibilidad na umabot naman sa 740,000 confirmed cases bago matapos ang buwan ng Marso dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso kada araw.
“Hindi pa naman agad agad ‘yun. Depende. Ang trajectory natin aabot tayo mga 740,000 up by end of March. Pero by April titingnan natin,” ito ang pahayag ni Professor Guido David sa isang interbyu sa Dobol B TV ng GMA Network.
Aniya, wala pa namang kalinawaan kung aabot nga sa 1 million confirmed cases sa pagtatapos naman ng buwan ng Abril. Ngunit, may posibilidad na ito ay makita sa loob ng dalawang buwan pa kung hindi epektibo ang batayan sa pagsunod na mga tinakdang batas sa pag-iwas sa nakamamatay na virus.
“‘Yung [‘NCR Plus] bubble so far nakikita naman natin may effect naman siya dahil bumababa naman ang reproduction number. Pero ‘yun nga, baka kukulangin ‘yung dalawang linggo, pati ‘yung apat na linggo. At least ito [‘NCR Plus’ bubble] naba-balance natin ang hanapbuhay ng ibang kababayan,” saad ni David.
Samantala, sinabi naman ng OCTA Research nitong linggo na ang reproduction number sa National Capital Region (NCR) ay bumaba sa 1.91 mula sa previous nito na 1.99. Nasisilip din nila na maaring umakyat pa sa 11,000 new COVID-19 cases kada araw bago matapos ang buwan ng Marso. #DM
LOOK: DOH COVID-19 CASE UPDATE as of 4PM today, March 26, 2021.
— Diyaryo Milenyo Digital News (@diyaryomilenyo) March 26, 2021
Follow us on our official social media accounts and website;https://t.co/5B47LAbX18https://t.co/xKwZXCl8zVhttps://t.co/ltTsdOiJekhttps://t.co/Pz2b2RUlWS https://t.co/euiqoLHCrb pic.twitter.com/UPBdmBI9OV
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Corona’s consequences – how the Pandemic is changing globalization
by Bernadeth Barillos A quote once said, “If you stay positive in a negative situation, you win.” But with...
Pagsuot ng Face mask, Boluntaryo na lang
Inilabas na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang executive order (EO) para sa boluntaryong paggamit ng face mask sa mga...
NCR, mananatili sa Alert Level 1
Mananatili pa rin sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) mula Agosto 1 hanggang 15, ayon sa Department...
Pangulong Marcos, nakipagpulong sa mga opisyales ng DOH at ng IATF ukol sa COVID-19 response
Nakipagpulong si Pangulong Marcos Jr., sa mga opisyal ng Department of Health (DoH) para pag-usapan ang mga hakbangin sa pag...
Pinas, nakapagtala ng 7,398 new COVID-19 cases – DOH
Nakapagtala ang Pilipinas ng 7,398 bagong kaso ng COVID-19 mula June 27 hanggang July 3, 2022 na may daily average...
NCR, mananatili sa Alert Level 1 mula July 1 – 15, 2022
Mananatili sa Alert Level 1 ang Metro Manila simula July 1 hanggang 15 sakabila nang nagpapatuloy na pandemya, ayon sa...