BREAKING: ECQ sa NCR Plus bubble simula Marso 28 hanggang Abril 4 ayon sa IATF

BREAKING: INIREKOMENDA ng IATF ang implementasyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR Plus bubble (Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan, Rizal) mula Marso 28 hanggang Abril 2, 2021.

Ito ay sakabila nang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 kada araw. At ngayon ay pumalo sa 9,595 sa tala ng DOH. Aniya, ito na ang second-highest report mula ng tumama ang pandemya sa ating bansa.

Mas magiging istrikto ang mga otoridad sa pagpapatupad ng ECQ sa NCR Plus bubble sa mga lugar na nabanggit. Sa kaugnay na balita, ang mga hospital sa bansa ay kasalukuyang nakatatanggap ng mga pasyente na mayroong sintomas ng virus na nakakapagtala sila ng high to critical risks level na mga pasyente.

Nitong nakaraang linggo ay naghigpit na ang mga otoridad at nagpakalat na ng mga kapulisan sa mga restricted area sa Metro Manila at karatig probinsya. Kasunod nito ay ang pagbabawal ng mass gatherings, indoor dining, at iba pang nasailalim ng health protocols at restricted boundaries sa bawat komunidad. #DM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.