Pagtatakda ng ECQ sa NCR Plus bubble simula na sa Lunes, Marso 29 hanggang Abril 4; Aid assistance inaasahan para sa mga maaapektuhan ng ECQ

image from GMA Network

Nagpahayag na ang pamahalaan patungkol sa muling paghahanda sa pagtatakda ng pagsasailalim sa ECQ (Enhanced Community Quarantine) sa National Capital Region at karatig probinsya. Kaya naman, narito ang ilan sa mahahalagang impormasyon na nakalap ng Diyaryo Milenyo sa naging press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong gabi 6:26 p.m, Sabado, Marso 27, 2021 ukol sa pagsasailalim sa ECQ ang NCR Plus bubble;

– Dahil sa paglipana ng mga bagong variant ng COVID-19, naging tulay ito upang isailalim muli sa ECQ ang NCR kabilang ang Cavite, Laguna, Bulacan, at Rizal.

– Epektibo ang ECQ sa Lunes (Marso 29, 2021), alas 12:01 ng umaga at natatagal hanggang Linggo ng Abril 4, 2021.

– Pag-implementa ng temporary measures at paglilimita sa galaw ng tao at transportasyon at iba pa.

– Pagtatakda ng istriktong regulasyon sa pag-operate ng iba’t ibang industriya.

– Inaasahan na ang mga essential and priority construction projects kung ito man ay pampubliko at pribado ay pinahihintulutan na magpatuloy sa kanilang operasyon ayon na rin sa guidelines na inilabas ng DPWH.

– Bukas ang mga pampublikong transportasyon kahit ECQ basta susundin lamang ang health protocols na inilaan g DOTr.

– Bawal ang gathering sa higit na sampung tao, maging ang pagpunta sa mga simbahan ay bawal na rin at iba pang mga pagtitipon.

– KBL (Kasal, Binyag, Libing) ay pinapayuhan na dapat ay immediate housholds lang ang dadalo upang mapigilan ang pagdidikit ng mga tao sa naturang kaganapan na ito. At hindi lalagpas dapat ng 10 tao.

– Bawal pa rin ang paglabas ng mga edad 18 pababa at 65 anyos pataas, kabilang ang mga buntis, may immuno deficiency, at iba pang health risks maliban na lamang kung may bibilhin na essential goods and services.

– Mas pinaigting ang curfew sa Cavite, Laguna, Bulacan, at Rizal simula 6:00 PM hanggang 5:00 AM. Hindi kabilang dito ang APORs, workers, cargo vehicles, and public transportation. Kailangan lamang magdala ng ID na magpapatunay na kayo ay kabilang sa mga nabanggit.

– Mananatiling bukas ang mga Mall, Pharmacy, Grocery stores, Hardware, at mga Restaurant para sa take-out and delivery lamang. Hindi na rin pwede ang Alfresco sa ilalim ng ECQ.

– Ang mga industriya na bukas ay ang mga sumusunod; Public and Private Hospitals, Health emergency and frontline services, Manufacturers of medicines, medical supplies, devices and equipment, Agricultural, forestry, and fishery and their workers, including farmers, ARBs, fisherfolk, and agri-fishery stores. Delivery and courier services transporting food, medicine, or other essential goods.

– Maximum of 50% percent capacity na nagbibigay ng serbisyo gaya ng essential goods and services, Media establishments and their total permanent staff complement, Workers accredited by DOTr.

– Skeleton workforce gaya ng; Dental, Rehabilitation, optometry clinics, pharmacies or drug stores, Veterinary clinics, Banks, money transfer services, Telecommunication companies, internet service providers, cable television providers, Manufacturing companies and suppliers (construction works, such as cement and steel), Funeral and embalming services, security personnel, Real estates activities limited to leasing only, Capital markets, Water supply and sanitation services and facilities, Energy and power companies, Airline and aircraft maintenance, pilots and crew, and employees, The Philippine Postal Corporation, PSA, BPOs, Export businesses, Printing Presses, Humanitarian assistance personnel from Civil society organizations, NGOs, UN-Humanitarian Country Teams, Pastors, priests, rabbis, imams or such other religious ministers (conduct of necrological or funeral rites), Repair and maintenance of machinery and equipment.

Advertisement

Pinapayuhan din ang lahat na walang panic buying na magaganap dahil hindi naman magsasara ang mga establisimyento na may kinalaman sa food and goods services na kakailanganin ng bawat indibidwal.

Saad din ni Roque, magkakaroon ng tulong [aid assistance] para sa mga apektado ng ECQ mula Lunes hanggang Abril 4. Wala pang malinaw na panuntunan kung mai-extend ang ECQ sa bansa. Inaasahan na maibibigay ang kabuuang guidelines sa darating na Lunes, Marso 28.

Aniya, dapat mabatid ng taumbayan na ang isa sa main rule ng ECQ ay ‘walang labasan’ maliban na lamang kung ikaw ay kabilang sa essential workers at iba pa. #DM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.