Entertainment

Jhong Hilario, daddy na!

[Ni Señorita Ruth]

Image: ABS-CBN

Napakasarap sa pakiramdam ng isang magulang ang masilayan nila ang kanilang first baby at ipagsigawan ito sa mundo ang pinakamagandang blessings mula sa Diyos.

Masayang ibinahagi ni Its Showtime Host and Actor na si Jhong Hilario ang pagsilang ng kanilang first baby sa longtime partner niya na si Maia Azores.

Advertisement

Sa isang post sa Instagram nitong Sabado, Marso 27, ipinasilip ni Hilario ang larawan ng kaniyang newborn baby na pinangalanan na Sarina.

“Hello my LOVE!!!” ang caption ng actor sa kaniyang post.

Ilan sa mga nag-congratulate sa actor ay ang kaniyang mga kasama sa It’s Showtime na sina Vice Ganda, Amy Perez, Teddy Corpuz, at Jugs Jugueta.

“Yeheeeeeeeeeeyyyy!!!! CONGRATULATIONS!!! Super kyooot ni bagets! Nakasmile sya,” sabi ni Vice Ganda.

“Congratulations! @jhonghilario and @maialevisteazores” added Castillo.

Maging sina Jugs at Teddy ay nagcomment din sa post na ito.

Nitong nakaraang Pebrero lamang ay inanunsyo ni Hilario na magkakaroon na sila ng baby ni Azores at ito nga ay isanb baby girl. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: