Agarang pagtugon para sa mga maaapektohan ng ECQ ang inuna ni Kawit Cavite Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang nasasakupan

Read Time:51 Second

[Ni Rex B. Molines]

“Walang Kawiteñong magugutom!” ito ang saad sa ipinoste ni Kawit Cavite Mayor Angelo G. Aguinaldo sa kaniyang official Facebook account ngayong araw.

Ibinahagi ni Kawit Cavite Mayor Aguinaldo ang kaniyang agarang pagtugon sa pagkalap ng 4000 na sako ng bigas upang kaniyang ibahagi sa mga Kawiteño na maaapektuhan ng pagsisimula muli nang panibagong ECQ sa kanilang probinsya.

Aniya, ramdam nila ang bigat ng muling paghihigpit sa kanilang mga residente sa bawat komunidad kung kaya’t ganun na lamang ang agarang pagtugon ng Alkalde.

“Ramdam rin namin ang bigat ng muling paghihigpit na ito. Ngunit hindi niyo po haharapin ang pagsubok na ito nang mag-isa. Sama-sama nating malalagpasan ang pandemyang ito.” saad ni Mayor Aguinaldo.

Dagdag pa ng Alkalde na kanilang pagsusumikapan na maipatutupad ang ECQ ng ligtas at maayos sa kanilang komunidad sa tulong na rin ng mga kawani nito, barangay officials at mga otoridad. #DM

[📷: Official Facebook account of Kawit Cavite Mayor Angelo G. Aguinaldo]

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Linggo ng Palaspas: Ikalawang taon ng Palaspas sa gitna ng pandemya gamit ang mobile and electronic gadgets
Next post Jhong Hilario, daddy na!

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: