Tinig ni Rex Molines

Linggo ng Palaspas: Ikalawang taon ng Palaspas sa gitna ng pandemya gamit ang mobile and electronic gadgets

image: pna.gov.ph

Ito na ang ikalawang taon na ating gugunitain at isasagawa ang Mahal na Araw sa harap ng ating mga telebisyon, cellphone, laptop, tablet o smart-phone at iba pang electronic gadgets kung saan natin mapapanood ang misa sa iba’t ibang Simbahan sa bansa at habang sabay-sabay na iwawagayway ang ating mga Palaspas.

Sa ganitong paraan na natin isasabuhay ang pinakamahalaga at banal na ritwal na pagwawagayway ng palaspas ngayong Linggo ng Palaspas o Palm Sunday, Marso 28.

Mababasa sa banal na aklat ang pagpasok ni Hesukristo sa Jerusalem sakay ng isang buriko na inilarawan sa naratibo ng ebanghelyo. Ang pagsasagawa sa banal na pagdiriwang na ito ay ang paggunita sa pagtanggap natin sa ating tagapagligtas buhat ng gumawa si Hesus ng mga magagandang himala sa mundo at Kaniyang ipinamalas ang mabuting balita ng Diyos.

Alam niyo ba na ang Pilipinong sining ng paghahabi ng palaspas ay buhay na bago pa man dumating ang mga Espanyol sa ating Inang bayan. Ayon sa isang salaysay, naitala noong 1589 na ang mga katutubo sa Nagcarlan ay naghahabi na ng palm leaves para sa ritwal na ito. Ang ‘ibus’ o ang sinaing na bigas na nakabalot sa dahon ng niyog o palm leaf na may iba’t ibang disenyo ng paghahabi nito ay ibinibenta sa mga simbahan bago pa man magsimula ang palaspas. Mababasa rin ito sa akda ng “Fray Juan de Plasencia recorded in 1589.”

Iginagalang ng lubos ang pagsasagawa ng ritwal at pagbebendisyon sa mga hawak na palaspas. Pinaniniwalaan kasi ito sa pag-iwas ng malas, at pagtaboy sa mga masasamang espiritu. Noon pa ma’y sinasabit na ang palasbas sa likod ng pinto o kaya nama’y nasa altar ito hanggang sa matuyo ang dahon nito na atin namang sinusunog pagtapos ng isang taon upang ang abo nito ay magamit sa seremonya ng Miyerkules ng Abo o Ash Wednesday.

Sumisimbulo ang palaspas para palakasin ang ating ispiritwal na relasyon sa Diyos. Ang palaspas ay siya ring sumisimbulo sa tagumpay na pagtanggap natin kay Hesukristo sa mga himalang nagawa nito sa tao at sa kanyang mahal na bayan. Matapos ang Palaspas, kasunod naman nito ay ang Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday na pinagsasaluhan ng bawat mananampalataya.

Sa pag-iikot ng inyong abang lingkod sa Quiapo Church nitong umaga, aking nadatnan na mayroon palang isinasagwa na pagbebendisyon sa mga hawak-hawak na palaspas ng mga mananampalataya at deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno. Ngunit, mahigpit na pinagbabawal ang pagpasok ng mga tao sa loob ng simbahan kaya isa isa na lamang sila pinadadaan para mabendisyunan ang kanilang mga hawak na palaspas at sa panalangin na matapos na yaring pandemyang kumitil na nang maraming buhay at hanggang sa ngayon ay mas lumalala pa ang ating sitwasyon. Walang kasiguraduhan ang lahat kung hanggang kailan tayo kakapit sa pag-asang kaawaan tayo at itigil na ng Panginoon ang pagpapahirap na ito sa buong mundo.

Pinapaalala sa atin ang kahalagahan ng ating buhay na muli sana tayong magbalik loob at laging dumulog sa Diyos sa Kaniyang walang hanggang pagmamahal at pagtugon sa ating mga kahilingan at kahit hindi Palaspas ay ugaliin natin magdasal at mag-simba hindi man physically na tayo ay maka-attend dahil sa ipinagbabawal ang pagdalo sa misa bagkus, kahit sa ating mga hawak na cellphone ay mabigyan natin ng oras ang Salita ng Diyos. Kapatid, digital na ang lahat. Maging ang pakikipag-ugnayan natin kay God ay digital na rin. Gumawa na Siya ng paraan para Siya ay ating makausap, ikaw na lang ang Kaniyang hinihintay para makamit ang pagpapalang sa iyo ay inilaan sakabila ng mga pagsubok na ating nararanasan. Pakatatag lang tayo, KaMilenyo. Maligayang Araw ng Palaspas! #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Linggo ng Palaspas: Ikalawang taon ng Palaspas sa gitna ng pandemya gamit ang mobile and electronic gadgets

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: