#AbolishIATF kumalat sa social media; Sens. Sotto at Marcos nanawagan na buwagin na ang IATF

Read Time:1 Minute, 41 Second

PANAWAGAN nina Senator Vicente “Tito” Sotto, III at Sen. Imee Marcos kay Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin na ang IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease) na binuo sa ilalim ng Executive Order No. 168.

“Sumuko na ako sa IATF.. hilong-hilo na tayo sa kanila. Sobra ang kanilang utak-lockdown,” saad ni Marcos sa senate hearing nito noong Marso 22.

Sinabi rin ni Marcos na lalo lamang tataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 kung walang pagbabagong gagawin ang IATF kung pulos lockdown ang mangyayari at ibabato lamang ito sa mga otoridad.

Sinang-ayunan naman ito ni Sotto, aniya, ang dapat na magtalaga ng pandemic response sa ating bansa “should be handled by doctors.”

Nilinaw naman ni Sotto na hindi naman niya ito sinisisi sa mga nagpapalakad ng IATF ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sakabila nang hindi rin naman pagsunod ng mga Pilipino sa paglaganap ng health protocols sa bansa.

“Something is wrong. Imbis na bumaba, tumaas pa after 1 year. What when wrong?” ani Sotto.

Advertisement

Una nang nagbigay pahayag na buwagin na ang IATF si Infectious disease expert and former IATF consultant Dr. Tony Leachon matapos na buksan muli ng IATF ang mga theater sa ilalim ng GCQ areas.

Sinabi pa ni Leachon na naging tulay ito sa paglaganap ng transmissible variants gaya ng UK and South African variants dahil nga ang mga tao sa paligid ay nagkaroon ng pagkakataong makalabas.

Samantala, patutsada naman ni IATF Spokesperson Harry Roque na kaniyang tinawag na ‘sourgraping’ si Leachon dahil sa hangarin diumano ni Leachon na maging health secretary.

Sakabila nito, ang mga netizen ay nagpahayag din ng saloobin kung pinakinggan sana ang mga health workers at hindi militaristic na pamamaraan at kung naging patas ang pagtrato sa nagdaang unang bugso ng pandemya sa bansa hindi raw magiging miserable ang Pilipinas ngayon. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Jhong Hilario, daddy na!
Next post DPWH completes P19–M tourism road project to Tacurong City’s famous tourist spots
%d bloggers like this: