
DPWH kinongkreto ang isang kilometro na daan bilang suporta sa palm oil production sa probinsya ng Sultan Kudarat
[Rashid RH. Bajo]

ISULAN, Sultan Kudarat ––Kinongkreto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang kilometro na daan sa isang barangay sa bayan na ito bilang suporta sa palm oil production at iba pang mga agrikulturang produkto.
Kilala ang bayan ng Isulan na “capital town” ng probinsya ng Sultan Kudarat at kinokonsidera na sentro at bagsakan ng mga bagong–ani na mga bunga ng palm oil at iba’t–ibang mga agrikulturang–produkto mula sa mga kalapit–probinsya nito, tulad ng South Cotabato at Maguindanao.
Matatagpuan din sa Isulan ang tanggapan ng Kenram Industries, kung saan nagbibigay–buhay sa libo–libong mga residente nito, at ang “palm oil processing center” nito.
Tanyag din ang Isulan dahil sa maganda at de–kalidad na uri ng mga bigas na nagmula sa daan–daang ektarya ng “farmlands” nito.
Ayon sa report na pinoste ng DPWH XII sa opisyal ng Facebook page nito, sinabi nito na ang nasabing konstruksyon at pag–kongkreto ng isang kilometro na haba ng daan sa Barangay Sampao sa bayan ng Isulan ay may alokasyon na P19–Million.
Ang implementing agency ng nasabing “road concreting project” ay ang DPWH–Sultan Kudarat 1st District Engineering Office (SK 1st DEO) na nakabase sa bayan na ito.
Naniniwala ang ang DPWH XII na ang nasabing proyekto ay magpapasigla sa “economic activity” ng Barangay Sampao, kung saan may populasyon na mahigit 6,000.
Nagpapasalamat naman ng malaki ang mga magsasaka, lalo na ang nagtatanim ng palm oil, at mga residente ng Barangay Sampao sa ahensya ng DPWH sa pag–kongkreto ng nasabing daan dahil sa tulong at ginhawa na naibibigay nito sa kanilang pagsasaka at paghahanap–buhay. (Photo: DPWH XII)