Isang Linggong ECQ sa NCR Plus hindi sasapat

Nagsimula na nitong Lunes, Marso 28 ang unang araw ng muling pinaigting na ECQ (enhanced community quarantine) sa buong NCR at karatig probinsya; Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal. Marami na naman ang nagsarang kumpanya lalo na ang maliliit na mga kumpanya at mga negosyo na hindi sakop ng panuntunan ng IATF at ng mga otoridad na nakabantay sa bawat restricted areas.

Bago pa man magsimula ang pagpapatupad muli ng ECQ ay nagkaroon na naman ng panic buying ang ilan nating mga kababayan nitong weekend. Kakaaunti rin ang mga mananakay sa MRT-3, LRT-1 at LRT-2 ng umaga ngunit dumagsa ang mga na-stranded na mga manggagawa sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila. Salamat na lamang ay libre ang pagsakay sa EDSA bus way. Ngunit nagdulot naman ng abala sa mga motorista kung saan ay hindi maaaring lumabas at pumasok sa Metro Manila ang mga motoristang galing sa mga probinsya.

Nagkaroon din ng agam-agam kung paano na lamang ang mga nawalan na naman ng trabaho o biglaang paghinto ng operasyon ng mga kumpanya at kung paano masusuportahan ang kani-kanilang mga pamilya sakabila nang kakapusan na naman sa pagkain at panggastos araw-araw ng bawat pamilyang Pilipino na kahit sinabi ng gobyerno na ang ECQ ay pang-isang linggo lamang. Marami na naman ang magugutom, marami ang mas titindi ang sitwasyon ng pamumuhay kung sakali na magtuloy-tuloy ang pagpapatupad ng ECQ sa NCR Plus bubble. Suporta ng gobyerno ang kailangan ng taumbayan.

Nitong Lunes, Marso 29 ay nakapagtala ng pinakamataas na confirmed COVID-19 cases na pumalo sa 10,016. Bagay na maaring maging dahilan para isailalim na naman sa mahabang lockdown ang bawat rehiyon sa bansa. Nakakabahala na talaga. Tila parang walang nangyaring maganda sa pamamalakad ng IATF dahilan na isinisisi rin ng taumbayan ang ahensyang ito [IATF] na diumano’y may mali sa kanilang pagtatakda ng mga batas at panuntunan para kontrolin ang taumbayan na mabuhay at maghanapbuhay. Panawagan din ng ilang mambabatas na buwagin na ang assigned task force na ito at masmabuti na ipaubaya sa mga doktor ang pamamalakad ng mga panuntunanan sapagkat sila ang mas nakakaaalam ng takbo ng virus sa buong mundo.

Kagabi lamang ay idineklara na ni Pangulong Rodrigo Deuterte na mananatili sa ECQ ang NCR, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal hanggang Abril 4. Pag-aaralan pa ng pamahalaan kung pahahabain pa ang ECQ sa mga restricted areas dito. Samantala, nasa ilalim naman ng MECQ ang probinsya ng Quirino mula Abril 1 hanggang Abril 15. Ang Santiago at Izabela mula Abril 1 hanggang Abril 30. Ang Cordillera Administrative Region, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Tacloban City, Iligan City, Davao City, at Lanao del Sur ay isasailalim sa GCQ (general community quarantine) mula Abril 1 hanggang Abril 30.

Tila kinakailangan talagang isailalim pa sa isang buwan na ECQ ang NCR Plus dahil nandito ang pinaka malaking bilang ng mga nagpopostibo sa virus kada araw. Dagdag pa, kung sakaling luluwagan na naman ang restriction sa mga area na ito panigurado hindi matatapos ang ating laban kontra sa nakamamatay na COVID-19 at magpapatuloy lamang ang hawaan sa virus na ito kung walang sapat at kongkretong solusyo na mangyayari. #DM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.