Mga lugar na isinailalim sa MECQ at GCQ; NCR Plus mananatiling ECQ hanggang Abril 4

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang regular na pag-uulat kagabi, Lunes, Marso 29 ang ang mga lugar na isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) at general community quarantine (GCQ) bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang mga nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa.
Aniya, pinag-aaralan pa kung sakaling i-extend ang ECQ sa NCR Plus bubble na tatagal lamang hanggang Abril 4. Bukod dito, may nakalaan din na cash aid ang gobyerno para sa mga apektado ng ECQ sa buong NCR, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.
Tinatayang 23 bilyon ang ilalaan budget ng pamahalaan para sa pamamahagi ng cash aid. Ngunit hindi gaya ng unang bugso ng Lockdown noong Marso 2020, mas maliit lamang ang ipamamahagi na cash aid sa bawat pamilyang apektado ng ECQ higit ang mga nawalan ng hanapbuhay ngayon. #DM