
BERSO: “Hindi Ko Malimutan” ni Makatang Torpedo
Read Time:1 Minute, 11 Second

HINDI KO MALIMUTAN ni Makatang Torpedo [MakTulaan] Hindi ko malimutan noong unang pagkikita Titigang wala man lang halong salita Kapwa nahulog sa bilis na tatlong minuto Pag-ibig na hindi pinag-aralan subalit natuto. Hindi ko malimutan ang simula ng ligawan Noong una'y hirap sa Oo dahil puro ewan Hindi nagtagal pagkalipas ng tatlong buwan Ikaw at ako'y nagkaroon ng kaarawan. Hindi ko malimutan ang unang yakap at halik Sa aking gunita sa iyo'y ito ay bumabalik Ang iyong mga yakap na kay higpit Dulot upang maibsan yaring aking galit. Hindi ko malimutan noong kamay ko'y iyong hawak Ikaw ay may gandang kalapati samantalang ako'y uwak Hindi mo kinahiya ang tulad ko sa maraming tao Dito mo pinatunayang mahal mo kong totoo. Hindi ko malimutan noong ako'y nangako Hindi ako papayag na hindi sa dulo ang ikaw at ako. Ako'y sigurado sa tulad mong dilag Sa ating mga kapintasan tayo'y maging bulag. Hindi ko malimutan noong una mong pagluha Akala ko noon ay bumabagyo at babaha Subalit mas hindi ko malimutan ang muli mong pag-iyak Luhang hindi dahil sa lungkot kundi sa galak. Lumuhod ako sa iyong kinatatayuan Hawak ang singsing na sayo'y iaalay Tinanggap mong maluwag ang aking pakay Sinuot sa iyo ang singsing at ako'y iyong hinagkan. Hindi ko malimutan ang lahat Mula simula hanggang sa aking pagtatapat Hindi ko ito malilimutan Ngayong palapit ka na sa altar ng simbahan. #makatulaan (Photo; NYCPost.com)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.