[Ni Rashid RH. Bajo]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
TACURONG CITY, Sultan Kudarat [R12] –– Bilang suporta sa mga industriya ng palm oil at saging, nag–construct ang Department of Public Works and Highways [DPWH] ng mahigit isang kilometro na “by–pass road” sa siyudad na ito.
Ang Tacurong City ay ang “capital city” ng probinsya ng Sultan Kudarat at sinasabing “gateway” ng mga motorista at mga sasakyang may mga karga ng ibat–ibang uri ng mga agrikulturang–produkto na mula sa kalapit–probinsya, tulad ng Davao Del Sur, North Cotabato, South Cotabato at Maguindanao [BARMM], at mga siyudad ng General Santos, Kidapawan, Koronadal at Cotabato.
Matatagpuan din sa siyudad na ito ang pinakamalawak na plantasyon ng palm oil at ibat–ibang sikat na mga “tourist spot.”
Ayon sa report na pinoste ng DPWH XII sa kanyang opisyal ng Facebook page, sinabi nito na ang 1.25 kilometers na “East By–Pass Road” sa Tacurong City ay may alokasyon na P35 Million at ipinatupad ng DPWH–Sultan Kudarat 1st District Engineering Office [SK 1st DEO] na nakabase sa bayan ng Isulan na “capital town” naman ng probinsya.
Ayon sa report ng DPWH XII, ang nasabing road project ay nasisilbing “by–pass route from Barangay San Antonio–D’Ledesma–San Pablo connecting Barangay Kalandagan.”
Ang pag–construct ng Tacurong East by–pass road ay bahagi ng mandato ng DPWH na magtatag ng isang “road network” na maganda, ligtas at makakatulong sa pagsulong ng isang progresibong–ekonomiya ng mga lokalidad.
Syempre, kasama din sa layunin ng nasabing proyekto ay ang mabilis na daloy ng mga sasakyang nagtra–transport ng ibat–ibang uri ng mga agrikulturang–produkto papunta sa ibat-ibang mga sentrong–merkado.
Nagpasalamat naman ang mga industriya na nakabase Tacurong City at sa ibat–ibang bahagi ng probinsya sa DPWH dahil sa suportang ibinibigay nito sa kanila sa pamamagitan ng pagtugon sa kanilang mga kinakailangang mga imprastraktura. [Photo: DPWH XII]