COVID-19 PH

Ivermectin para sa COVID-19 cases, masusing pagsusuri ang kinakailangan bago ito gamitin – DOH

© Agence France Presse A health worker shows a bottle of Ivermectin, a medicine authorized by the National Institute for Food and Drug Surveillance (INVIMA) to treat patients with mild, asymptomatic or suspicious COVID-19, as part of a study of the Center for Paediatric Infectious Diseases Studies, in Cali, Colombia, on July 21, 2020. Luis ROBAYO / AFP

Masusing pag-aaral ang kailangang gawin sa paggamit ng Ivermectin treatment laban sa COVID-19 cases ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules, Marso 31.

Sa isang interbyu ng GMA News, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kinakailangan dumaan sa regulatory process o mabusising pagsusuri ng mga eksperto para sa Ivermectin medicine na ito kung ito nga ba ay maaaring gamitin kontra COVID-19.

“The DOH is open to any intervention or investigational drug na mapapatunayan na merong ebidensya na ito’y makakaprotekta sa ating populasyon. Sa ngayon, base sa pag-aaral ng ating mga eksperto, wala pa po siyang naipapakita na difference doon sa mga outcomes na gusto nating ma-achieve sa pagbibigay nito,” ani Vergeire.

“Ang rekomendasyon namin, further studies lang. Kung merong bagong study na dadating na makakapagpakita talaga no’ng ebidensya ay tatanggapin po natin at ia-adopt ng DOH ‘yan for use. Meron po tayong dapat na proseso para ipatupad ito. Hindi puwedeng basta ginagamit na lang natin,” dagdag pa ng kalihim.

Samantala, nagpahayag ang Food and Drug Administration (FDA) na ang Ivermectin veterinary products ay hindi para sa COVID-19 treatment, ngunit saad ni FDA chief Eric Domingo na makikipag-usap sila sa manufacturer ng Ivermectin kung paano ang mabilis na pagproseso ng gamot na ito.

Pinaliwanag din ng eksperto na ang Ivermectin ay naka rehistro bilang human consumption at nag-lapsed na ito noong 2018.

Saad naman ng Merck, ang manufacturer ng Ivermectin na walang siyentipikong batayan para sa isang potensyal na therapeutic effect kontra COVID-19 mula sa pre-clinical studies, at walang katibayan ito para sa mga clinical activity o clinical efficacy sa mga pasyente na may COVID-19 cases. #DM

Advertisement

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Ivermectin para sa COVID-19 cases, masusing pagsusuri ang kinakailangan bago ito gamitin – DOH

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: