
Mahigit 700k health workers, indibidwal at ilang senior citizen nabakunahan na – DOH

Mahigit 700,000 mga indibidwal, kabilang na ang mga health worker at ilang senior citizens ay nabakunahan na laban sa COVID-19, ayon sa Department of Health nitong Martes, Marso 30.
Sa isinagawang pagpupulong ng House Committee on Health, sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na 702,362 indibidwal na ang nabakunahan ng first dose ng Sinovac at AstraZeneca vaccine. Ang datos na ito ay base sa DOH nitong Marso 29.
LOOK: DOH COVID-19 CASE UPDATE as of 4PM today, March 30, 2021.
— Diyaryo Milenyo Digital News (@diyaryomilenyo) March 30, 2021
Follow us on our official social media accounts and website;https://t.co/5B47LAbX18https://t.co/xKwZXCl8zVhttps://t.co/ltTsdOiJekhttps://t.co/Pz2b2RUlWS https://t.co/euiqoLHCrb pic.twitter.com/XVUf6sFtx6
Saad pa ni Cabotaje na 698,353 o 54.6% porsiyente ng mga frontline health workers na ang nabakunahan. Kasunod na nito ay ang mga senior citizen at ilang indibidwal na may comorbidities.
Iniulat din ni Cabotaje na nakatanggap na ng 2 doses para sa 404 individuals nitong Marso 29. Ang lahat ng mga ito ay residente sa Metro Manila.
Samantala, nagpakita naman ng datos ang DOH na may 1,279,347 health workers na ang kasama sa kanilang master list para sa pagbabakuna. #DM