
National Women’s month 2021: Pagtanaw sa mga natatanging JUANA ng CNPGEWA sa Camarines Norte
[Ni Rex Molines]

Pagkilala ang inihandog para sa mga natatanging JUANA ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte nitong Martes (Marso 30), bilang bahagi ng selebrasyon ng National Women’s month 2021.
Ang CN Provincial Government Employees Welfare Association (CNPGEWA) sa pamumuno ni Engr. Joel Kajo Seconds Segundo at sa pakikipagtulungan sa pamahalaang panlalawigan ay kinilala ang mga natatanging JUANA mula sa iba’t ibang tanggapan mismo sa kapitolyo ng Camarines Norte.
Ikinagalak naman ito ng mga JUANA ng taon dahil sa pagmamahal at pagkilala sa kanilang mga kontribusyon sa pamayanan at maging sa kani-kanilang mga tungkulin bilang babae, ina at manggagawa sa kanilang lalawigan. Kaya naman, isang pagbati mula sa Diyaryo Milenyo ang nais naming iparating. Mabuhay po kayo! #DM