BERSO: “DREAMWALKER” ni Mother Conqueror

-Dreamwalker-
By: MotherConqueror


Gabi na naman muli ko na naman bang masisilayan
Ang iyong mukha?
Muli mo na naman bang hahawakan
Ang aking mga kamay?
Habang nag lalakad sa dalampasigan
At tanging ang iyong ngiti Lang Ang aking nasisilayan...

Kasabay ng ilaw ng mga kandilang naka palibot sa atin
Kasama ng ihip ng hangin na humahalik sa akin
Hindi ko alam ano itong nararamdaman

Hindi Kita kilala...
Pero pag kasama ka'y ang gaan sa pakiramdam...
Alon ng dagat ang tangi kong naririnig
Tila inaagos na ako ng mahiwaga mong katauhan

Sabi mo hayaan ka lang dahil malinis ang iyong pakay
Gusto mo lang makasama ang babaeng iyong napupusuan...

At ito lang ang tanging paraan kaya binubuhos mo ang lahat
Mahirap man pero iyong kinakaya
Maibatid lang ang iyong nararamdaman
Kahit sa kabila ng lahat ay walang kasiguraduhan...

Bukas pag gising ko hindi na ikaw ang katabi
At Hindi mo na hawak ang aking kamay
Pero ang hiwaga ng aking nararamdaman
Ay hindi mawaglit sa aking isipan...

Palagi na lang ba ganito?
Kasama ka sa Gabi at wala ka sa umaga
Ano ba Ang iyong pakay?
At tila sa iyo ay Hindi na makawala...

Pilit kinukumbinsi ang sarili na hindi ka totoo
Pero sa pag pikit ng mga mata ikaw na ang nakikita
At sa pag dilat ay Wala Ka na sa paningin
Pero Ang mukha mo ay nakatatak sa aking isipan...

Sana ngayong Gabi pag bigyan Ang aking kahilingan
Tigilan Ang majika Kung ako ay iyong ginagamitan
Dahil Hindi Biro Ang Gabi Gabi Kong nararanasan
Sa matamis mong bisig na tila maka totohanan

Photocredit: google

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.