NATIONAL

Holy Week message ni VP Leni: “Revive our faith and Renew our hopes”

image: cnnphilippines.com

Nagbigay mensahe si Bise Presidente Leni Robredo ngayong Huwebes Santo (Maundy Thursday) para sa mga Katolikong Pilipino na ikonsidera at bigyang oras ang Holy Week na magnilay-nilay at muling buhayin ang pag-asa at pagmamahalan sa isa’t isa bunsod nang ating patuloy na pagharap sa COVID-19 sa buong mundo.

“Nakasara man ang mga bahay at kalsada, tinatawag naman tayo na laging buksan ang ating mga puso at isip sa mensahe ng kaligtasan ng dala ni Kristo. Hinihimok tayong gamitin ‘yung pagkakataon para huminto sumandali at magnilay to revive our faith and to renew our hopes,” saad ni Robredo sa kanyang Holy Week message.

Aniya, ang muling pagbuhay ng pag-asa sa bawat isa ay susi para labanan ang pandemyang ating hinaharap. Ang pag-asa na magpapamalas ng pagmamahal sa bawat isa ay siyang sambit din ni Pope Francis.

“Pope Francis said we were made by God for love, and love is the greatest expression of hope. We find hope and we give hope by loving and following the footsteps of Christ,” ani Robredo.

Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na ang Semana Santa o Kwaresma ay gawing inspirasyon na magpapamalas ng pagtutulungan at pagtugon sa bawat nangangailangan ngayong pandemya.

“May the Lenten period be a time of reflection and may its essence guide us to act with love, hope, and compassion towards others as we collectively endure the present challenges,” saad ni Andanar.

Kahit na sarado ang mga Simbahan, kumpanya at ang mga establisimiyento ngayong Holy Week at sa kabila nang pinaiiral na ECQ sa buong NCR Plus at karatig probinsya. Hindi ito dapat maging balakid sa ating pananampalataya sa Diyos. Huwag nating hayaang sarado ang ating mga puso at isipan sa pagtanggap ng salita ng Diyos. Ito ay para rin sa kaayusan ng sambayanan at mapanatili tayong matatag sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na panalangin na ating dinudulog sa Diyos na may likha ng lahat. #DM

%d bloggers like this: