
ROSARIO, CAVITE: LUGAW ISIGAW MULA ILALIM HANGGANG IBABAW
[Ni Sid Luna Samaniego]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Hindi kaila sa ating mga Pinoy ay ibig itong pagkain.
Maraming sustansya ang naibibigay nito sa ating katawan, tulad ng carbohydrates at protina na nagbibigay enerhiya sa ating katawan at lakas sa ating mga muscles.
Sa panahon ng pandemya ngayon, marami ang nawalan ng trabaho higit ang maliliit na uring manggagawa. Hirap sa buhay at minsanan na lang kung kumain. Nalilipasan na…..ika nga. Upang mairaos ang kumakalam na sikmura, sa murang halaga ay tiyak na mabubusog ka na sa masarap na lugaw.
Sa init ng panahong nararanasan natin ngayon ay mainit ding pinag-uusapan ang “LUGAW”.

Sa isang viral video ay mariing sinabi ng babae na hindi raw “essential” ang lugaw. Hindi raw kailangan ng tao ang lugaw? Sa eksena na ito, ay matatawa kang talaga!
Sa laki ng porsyento ng mahihirap na Pilipino, lugaw ang sandalan nito. Mula almusal hanggang hapunan. Huwag nating kalilimutan, sa oras ng sakuna tulad ng bagyo, lindol, pagputok ng bulkan, sunog, feeding program, handaan, pagliwaliw sa mga mall, ay nandyan agad si lugaw. Ibulong mo man o isigaw, darating si lugaw. #DM
LOOK: DOH COVID-19 CASE UPDATE as of 4PM today, March 31, 2021.
— Diyaryo Milenyo Digital News (@diyaryomilenyo) March 31, 2021
Follow us on our official social media accounts and website;https://t.co/5B47LAbX18https://t.co/xKwZXCl8zVhttps://t.co/ltTsdOiJekhttps://t.co/Pz2b2RUlWS https://t.co/euiqoLHCrb pic.twitter.com/fsuLx6ZhLu