Community News

Sayote na itinanim ng isang guwardiya, inani para ipamahagi sa kanyang mga kabarangay sa Alfonso Cavite

[Ni Sid Luna Samaniego]

SAYOTE PARA KAY KUYA AT ATE: Sa isang bayan sa Cavite, isang guwardya ang namimigay ng suput-supot na sayote sa mga tao ngayong araw, Huwebes (Abril 1), ito ay bilang bahagi ng kanyang pagtulong sa kapwa sa panahon ngayon ng nararanasang pandemya.

Nakilala ng Diyaryo Milenyo ang lalaking namimigay ng sayote na si Bobit Benitez, 49 taong gulang, at isang guwardya.

Aniya, ang sayote ay kanyang inani mula sa kanyang bakanteng lote sa Alfonso, Cavite ay umabot sa humigit-kumulang 100 kilo.

“Noong una, plano ko sanang ibenta ‘yan para may pera kami ng pamilya ko. Sa hindi inaasahang pagkakataon naman ngayon na dumating muli ang lockdown dulot ng pandemya ay mas minabuti ko na ibahagi na lamang ito ng libre para ipamigay sa mga tao. Sa ganitong paraan, kahit papano makakatulong ako sa tao’, paliwanag ni Bobit Benitez.

“Nakakatuwa at masaya ako sa aking ginawa. Dahil hindi man ako kumita sa gulay na tinanim ko, alam ko sampung doble pa ang kinita ko dahil napasaya ko ang mga tao”, dagdag pa ni Benitez.

Ang pagkain ng sayote ay nakakatulong sa maayos na pagdaloy ng dugo, pampababa ng cholesterol, nakakabuti sa pagbubuntis, mayaman sa antioxidants, vitamins, mineral, at pampalakas ng immune system. Si Benitez ay aktibong myembro rin ng grupo ng “Mason”. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Sayote na itinanim ng isang guwardiya, inani para ipamahagi sa kanyang mga kabarangay sa Alfonso Cavite

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: