Community News

Diskarte ni Aling Baby Ann: Paglalako ng kakanin ngayong Biyernes Santo

[Ni Sid Luna Samaniego]

ROSARIO, Cavite — Huli sa larawang ito ang paglalako ng isang babae ng kakaning pichi-pichi at sumang balinghoy.

Nakilala ng Diyaryo Milenyo ang babae na si Baby Ann Quinto taga Brgy. Kanluran, Rosario, Cavite. May-asawa at 2 anak. Walang trabaho ang kanyang mister, kaya’t sa paglalako ng kakanin niya kinukuha ang panggastos araw-araw.

Kumikita siya ng halagang P250 hanggang P300 pesos bawat araw. Sapat na iyon para makabili ng kakainin nilang pamilya.

Kahit na pinagbabawal ang paglabas at sarado ang mga establisimiyento, pagkakataon naman ito para kay Baby Ann na makapaglako ng kanyang panindang kakanin sa kanilang barangay.

Si Baby Ann ay isa lamang sa ilaw ng tahanan na puno ng pagsubok at katatagan sa buhay. #DM

%d bloggers like this: