
PNP at AFP kapitbisig laban sa banta ng pambobomba sa Cotabato City
[By Rashid RH. Bajo]

CENTRAL MINDANAO, Philippines — Nag-deploy ng maraming mga “uniformed policemen” sa ibat-ibang bahagi ng Cotabato City ang Cotabato City Police Office (CCPO) para mapigilan uli ang pagsabog ng “IED” (or improvised explosive device).
Noong Huwebes (April 1, 2021) ng gabi, isang umanoy IED and sumabog sa kahabaan ng Barangay Mother Bagua ng nasabing siyudad, kung saan sinasabing iniwan umano ito ng hindi nakikilalang mga personalidad sa sidewalk doon.
Ayon kay Police Colonel Rommel Javier, director ng Cotabato City Police Office, tatlong sibilyan and nasugatan at kasalukuyang ginagamot ngayon sa isang pagamutan doon.
Sinabi ni Colonel Javier na nakarekober din sila ng isa pang IED malapit lamang sa lugar ng pagsabog. Kaagad naman itong sinira ng tropa ng PNP at Army-led Task Force Kutawato ng matagpuan nila ito.
Ayon naman kay Lieutenant Colonel John Paul Baldomar, spokesperson ng Army’s 6th Infantry Division, and mga ahente ng intelligence unit ng AFP ay kasalukuyan ngayong tumutulong sa PNP sa pag-imbestiga tungkol nasabing insidente na gumulat at nagpakaba sa mga residente ng nasabing siyudad.
Determinado naman ang tropa ng PNP at AFP na malaman kung sino ang nasa likod ng pagpasabog ng IED.
Ayon kay Colonel Baldomar, ang tropa ng Anti-Terror Task Force, kung saan nasa ilalim ng kontrol ni 6th Infantry Division (ID) Commander Major General Juvymax Uy, ay kasalukuyan ding nagsasagawa ng “intensified security patrol” sa ibat-ibang bahagi ng siyudad bilang suporta sa mga elemento ng CCPO na mahigpit na nagsasagawa din ng patrolya. (Photo: John Unson)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Isang Baldadong lalaki sa Naic Cavite, nananawagan ng Tulong Medikal dahil sa kanyang Kondisyon
Ni Rex Molines NAIC, CAVITE: Nananawagan ngayon ng tulong ang isang concern citizen para sa kanilang kapitbahay na si sir...
KINSENG BAKA, MAAGANG NAMAMASKO SA KALSADA?
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Agaw eksena sa mga tao ang labing-limang baka na tila namamasko sa kalsada. [gallery columns="2"...
Igorot Stone Kingdom, Ipinasasara ng Alkalde ng Baguo City
BAGUIO CITY --- Iniutos ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong nitong Martes [November 9], ang pagpapasara ng man-made attraction na...
JRP CARES NAMAHAGI NG TULONG SA NASALANTANG BAHA SA CAVITE
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Namahagi kahapon ng relief packs ang grupo ng JRP Cares sa bayan ng Rosario at...
Mga Ganap sa Ika-3 Araw ng Nobyembre sa Rosario, Cavite
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Sa ika-3 araw ng buwan ng Nobyembre sa maalamat na bayan ng Rosario ay nilikha...
Mga miyembro ng PNP, kahit pagod na tuloy pa rin dahil kailangan
by Ramil Bajo, Oct. 30, 2022 BARMM --- Sila ang ating kapulisan, kahit pagod na sila tuloy pa rin dahil...