Entertainment

Rachelle Ann Go, nanganak na!

[Ni Athena Yap]

image: cosmo.ph

Masayang ibinahagi ng theatrical singer na si Rachelle Ann Go ang kanyang pagiging first time mom sa social media.

Makikita sa retratong ibinahagi niya ang kauna-unahang family picture nila kasama ang kanilang first born son.

Sa katunayan, hindi maitatanggi kung gaano siya ka-excited na mahagkan ang kanilang baby ng asawa na si Martin Spies dahil ilang araw bago siya manganak ay nag-post pa siya ng kanyang pagkasabik na lumabas ang kanilang kauna-unahang baby.

“Patiently waiting [heart emoji] God’s timing is always perfect,” sabi pa ng singer sa kanyang IG post.

Lukas Judah Spies ang ipinangalan nila sa kanilang unica hijo na isinilang ni Rachelle nitong March 26, 2021 lamang.

Sa nasabing post ng singer, ipinaliwanag pa niya kung bakit Lukas Judah ang pangalan ng kanilang baby.

“Lukas – bringer of light ✨

Judah – praised, let Him be praised 🙏🏽” aniya.

Kasunod niyan ay bumuhos ang masasayang pagbati sa kanilang mag-asawa ng ilan sa kanyang mga kapwa artista.

“Finally andito na siya! Congratulations, everyone!” masigla pang pagbati ni Lea Salonga.

“Congrats mare! MOTHERHOOD is the best!” positibong dagdag pa ni Jolina Magdangal. 

Bumati rin kay Rachelle ang ABS-CBN Chief Executive na si Charo Santos na ang sinabi naman ay “Congratulations! hope mommy and baby are doing fine.”

Matatandaang una nilang inanunsyo ang pagbubuntis ng naturang singer noong November 2020. Samantala, ikinasal naman noong April 2018 sina Rachelle at Martin. #DM

Advertisement

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Rachelle Ann Go, nanganak na!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: