Entertainment

Angelica, dumaing sa 15k Covid cases

[by Athena Yap]

Advertisement

Tila hindi na nakapag pigil, kaya’t naglabas na ng hinaing ang aktres na si Angelica Panganiban tungkol sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagkakaroon ng COVID19 sa bansa.

Ayon kasi sa inilabas na data ng Kagawarang Pangkalusugan nitong April 2 ay lumobo na sa mahigit 15,000 ang kaso ng mga na-infect ng nasabing virus.

“15K!? To think ang mga nag papa check lang ay mga may symptoms at may kaya mag pa swab test.. eh paano ang wala? Hay nakakaloka p*tah!” bwelta ng aktres.

Ayon pa sa aktres, ramdam niya ang pagka-emosyonal sa mga nagaganap ngayon sa bansa.

“Hinang hina ka na… maglalabas ka pa sa bulsa mo ng pera, para ma swab. At malalaman mo, pasitib ka sa covid mami! Pano na oa ospital? gamot? Mental care?! Yung vaccine ba aasahan pa namin sa inyo? d naman diba? KKB! Nakakaiyak. ito ang emotional,” wika pa ni Angelica.

Sa pamamagitan ng Instagram story, muli pang naglabas ng hinanakit ang aktres. Hindi niya naiwasang na ikumpara ang sitwasyon ng Pilipinas sa ibang bansa.

“Hindi na ‘to biro. Hanggang kailan kami magtitiis? Habang ang ibang bansa, patapos na. Tayo, babalik sa simula na mas matindi?” sambit pa ng aktres.

Bukod pa riyan ay nanawagan si Angelica na sana ay magkaroon ng solusyon sa hinaharap na pandemya ng bansa.

“Solusyon po ang hiling namin. Solidong solusyon. Nasan ang inutang ng bansa? Bakit walang nangyayari? Panginoon, tulong po. Pakinggan niyo ang Pilipinas,” dagdag pa ni Angelica. #DM

Advertisement

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Angelica, dumaing sa 15k Covid cases

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: