
Covid Sniffing Dogs, kailangan ng suporta ng gobyerno

Noon ay madalas nating napapanood sa mga balita ang mga K9 dogs para umamoy ng mga bomba, droga at mga ilegal na kontrabando sa ating bansa.
Kamakailan ay napabalita na ang mga bomb sniffing dogs ay nagagamit na rin para umamoy ng mga may covid virus sa pamamagitan ng pag-amoy ng mga pawis at ito ay ginagawa na rin sa ibang bansa.
Nakatutulong para sa ibang bansa ang mga covid sniffing dog para umamoy ng naturang virus at ito ay suportado ng kani-kanilang pamahalaan gaya ng Finland, Dubai, Germany at Chile ngunit tila hindi pa ito prayoridad ng ating bansa.
Kung ito ay bibigyan payoridad at susuportahan ng ating pamahalaan, panigurado mas marami ang mababatid kung ang indibidwal ba ay positibo sa virus o hindi. Mas makababawas ito sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 kada araw at makababawas din sa gatusin ng mga nagpapa swab testing.
Sa kasalukyan, sa isang training center ng Universal K9 Philippines sa Antipolo ay may 12 aso ang sinasanay na umamoy ng may covid sa pamamagitan ng pawis ng mga nagpositibo sa naturang sakit. #DM
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Maharlika Investment Fund? It’s about Time or Not?
House Speaker Martin Romualdez — Marcos’ cousin — filed House Bill 6398 that seeks to establish what would be known as...
US Vice President Harris, nasa ‘Pinas
MANILA, Philippines -- Dumating sa Pilipinas si US Vice President Kamala Harris nitong Linggo ng gabi mula Bangkok, Thailand. Makikipagpulong...
Marcos, inaasahang matatalakay ang Food Security and Energy sa APEC Summit 2022
BANGKOK, Thailand -- Lumapag na nitong Miyerkules ng gabi [November 16] si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Thailand kung...
Marcos, hinimok ang US na gamitin ang global influence sa pagpigil na pagtaas ng presyo ng gasolina
Hinimok ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Estados Unidos nitong Sabado, Nobyembre 12, na gamitin ang kanilang pandaigdigang...
‘Pinas at Vietnam, nagkasundo na palakasin ang intel sharing sa gitna nang territorial claims sa karagatan
COMBODIA -- Nagkasundo si Panguong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh nitong Huwebes [November 10],...
Climate Change and the Impact to Economy (Part 2)
by Rick Daligdig [Part 2] Every time we experience ferocious typhoons or other calamities we only know about the...