
Iniulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Sabado, Abril 3, na isa pa sa kanilang hanay ang nadagdag sa mga namatay sa COVID-19 na umabot na sa 40 ang kabuuang bilang ng mga pulis na nasawi sa naturang virus.
Aniya, ang napaulat na ika-40 na nasawi sa virus ay isang admin police at bahagi ng Manila Police District, edad 40.
Nitong Abril 2, ang mga PNP personnel na contracted ng COVID-19 ay umabot na sa 15,646 at mayroong 328 new infections.
13,003 naman dito ay naka-recovered na at nadagdagan pa ito ng 213 new recoveries habang 2,603 ang aktibong kaso ng virus sa kanilang hanay.
Samantala, nakapagtala naman ang DOH ng 784,043 kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, may 12,576 new cases naman ang nadagdag, habang 599 naman ang naka-recover sa naturang virus.
Umakyat na sa 13,423 kabuuang nasawi sa COVID-19 at nadagdagan ito ng 103 na mga namatay ngayong araw. #DM
0 comments on “PNP nakapagtala na ng 40 nasawi sa COVID-19”