1K cash aid sa Metro Manila, matatanggap sa loob ng 15 days

image: File

Ipamamahagi na ang P23 billion cash aid para sa mga Pilipinong apektado ng ECQ sa NCR Plus at karatig probinsya sa mga lokal na pamahalaan simula ngayong Lunes, Abril 5, ayon sa Department of Interior and Local Government.

Sa isang interbyu sa ABS-CBN TeleRadyo, sinabi ni Bernardo C. Florence, Jr., officer-in-charge ng Treasury bureau na direktang ipamamahagi ang funds sa bawat local government units na sakop ng ECQ. Aniya, matatanggap ang cash assistance sa loob ng 15 na araw, at 30 araw naman kung ito ay in-kind na ipamimigay.

Ang bawat beneficiary ay makatatanggap ng P1,000 at P4,000 naman sa bawat pamilya, mariing ipinahayag ito ng Social Welfare department.

Nitong Sabado (Abril 3), sinabi ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na palalawigin pa ang enhanced community quarantine sa Metro Manila at sa mga probinsya ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite hanggang Abril 11.

Sinabi pa ni Florence na ang ahensya ay magpapakalat ng 18,000 contact-tracers sa metro manila para mabatid ang bawat indibidwal na na-exposed sa coronavirus sa loob ng 24 oras. #DM

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.