FMR project ng DPWH sa Lambayong, Sultan Kudarat nagbibigay ng “convenient access” sa mga kalakal at mga mag–aaral

Read Time:1 Minute, 23 Second

[by Rashid RH. Bajo]

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

LAMBAYONG, Sultan Kudarat –– Ang “farm–market–road” [or FMR] ay malaki ang papel na ginagampanan sa pagsulong ng rural development program ng gobyerno, pagpapalago ng ekonomiya sa kanayunan, pagbibigay ginhawa sa mga tao at pagpapabilis sa daloy ng kalakal, mga agrikulturang–produkto at mga sosyal na serbisyo na ibinibigay ng lokal na pamahalaan.

At ‘yan ang isa sa dahilan kung bakit patuloy ang ahensya ng Department of Public Works and Highways [DPWH] sa pag–implementa ng FMR na mga proyekto sa ibat–ibang mga bahagi ng bansa, lalo na sa tinatawag na “rural areas.”

Sa probinsya ng Sultan Kudarat, partikular na sa bayan ng Lambayong, ang mga residente ng Barangay Kabulakan ay nagpapasalamat sa ipinatupad na FMR project ng DPWH–Sultan Kudarat 1st District Engineering Office [SK 1st DEO] sa isang bahagi ng kanilang lugar.

Advertisement

Ayon sa pinosteng report ng DPWH XII sa kanyang opisyal ng Facebook account, ang nasabing FMR project ay may haba na 0.31 kilometro at nagkakahalaga ito ng P20–Milyon.

“It provides transport of commodities and convenient access to schools and social services,” sabi ng DPWH XII.

Ang nasabing FMR project ay nagpabilis sa daloy ng mga kalakal mula sa sentro ng barangay papunta sa market center ng Lambayong at sa ibat–ibang mga bahagi nito.

Dahil sa proyekto, naging madali na para sa lokal na pamahalan ng Lambayong na ihatid ang mga serbisyong–sosyal na nararapat sa mga residente ng Barangay Kabulakan.

Pati ang mga mag–aaral na dumadaan sa nasabing FMR ay nakaramdam rin ng ginhawa habang pumupunta sila sa kanilang paaralan. [Photo: DPWH XII]

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Isolated light rains, asahan ngayong araw – PAGASA
Next post Jessy, Luis kasal na!

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d