Entertainment

Jessy, Luis kasal na!

[ni Athena Yap]

Finally! Mrs. Manzano na si Jessy Mendiola!

image: push.abs-cbn.com

Ibinunyag ni Jessy Mendiola sa kanyang five-minute vlog ang naganap na pag-iisang dibdib nila ng kanyang long-time partner na si Luis Manzano nitong Linggo lamang kasabay ng Easter Sunday.

Base sa mga lumabas na iba pang ulat kaugnay sa kanilang kasal, naganap ang kanilang intimate wedding noong February 21, 2021 sa The Farm at San Benito, Lipa, Batangas kung saan ang mga dumalo ay ang magulang ni Luis na sina Gov. Vilma Santos, Edu Manzano, step father niya (Luis) na si Honorable Ralph Recto at ang kapatid niyang si Ryan Christian Recto.

Advertisement

Hindi man nila personal na nakapiling ang ina ni Jessy sa kasal, makikita naman sa vlog na inupload ni Jessy na nakasama pa rin ang mommy niya kahit sa pamamagitan lang ng video call.

Makikita rin sa vlog kung gaano naging kapwa emosyonal sina Jessy at Luis sa kanilang kasal. Simple at elegante ang naging kasal ng nasabing celebrity couple.

Matatandaan na noong December 2020 ay inanunsyo ni Jessy sa pamamagitan din ng vlog ang kanilang engagement na naging kontrobersyal at naging emosyonal pa siya sa pagku-kwento ng kanilang engagement.

Gayunpaman, kung titingnan ang kanilang kasal ngayon ay mapapansing puno lamang ng real feelings at kasiyahan ang magkasintahan. Syempre pa, bumuhos din ang napakaraming pagbati sa kanila ng mga kaibigan nila sa showbiz industry.

Ilan sa mga bumati ay sina Momshie Karla Estrada, Pokwang, KC Concepcion, Vina Morales at marami pang iba. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Jessy, Luis kasal na!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: