Erap, bahagyang bumuti ang kondisyon ayon kay Jinggoy

Matapos lumubha ang kalagayan nitong Martes (Abril 6), bahagyang bumuti ang kondisyon ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na nakikipaglaban sa COVID-19, ayon sa anak niyang si former Senator Jinggoy Estrada.
Aniya, stable at normal ang vital signs ng kaniyang ama na nasa ICU pa rin at mayroong mechanical ventilation dahil sa paglala ng kaniyang pneumonia nitong Martes.
Ibinahagi naman ng nakababatang Estrada sa kaniyang Facebook page ang medical bulletin ng dating pangulo na normal ang kaniyang kidney at maging ang paghinga nito.
“His other vital organs are functioning well,” saad ni Jinggoy.
“We were informed by his physicians that his inflammatory markers are on a downward trend for which we are thankful and hopefully this signals that his immune system is responding well,” saad muli ni Jinggoy.
Samantala, sinabi rin ni Jinggoy na tinanong niya ang mga doktor kung pwede bang bigyan ng gamot na ivermectin ang kaniyang ama, paliwanag ng doctor ay hindi raw maaring mag-in take nito ang dating pangulo.
Aniya, ang ivermectin ay isang anti-parasitic drug na hindi pa inaaprubahan na i-intake ng mga tao. #DM