Ogie Diaz naging straight sa sinovac?

[by Athena Yap]

image; philnews.ph

Bumenta sa mga netizen sa social media ang pilyong paglalarawan ng komedyanteng si Ogie Diaz tungkol sa epektong naramdaman niya nang magpa-turok siya ng Sinovac.

Ayon sa kwento ni Ogie, bago siya magpa-turok ay medyo nabahala pa siya sa mga narinig niyang feedback mula sa mga kakilala niya na nauna na’ng magpa-vaccine.

“Sabi nila, me mga reactions daw after mabakunahan, kaya yung proseso pagkatapos ng bakuna, yung nurse. pinag-rest ako for 15 minutes, dahil baka mahilo daw ako o sikmurain ako, o sumakit ang ulo ko o kung anuman ang maging epekto sa akin ng sinovac, at least andun pa ako,” sabi ni Ogie.

At nang kumustahin naman ng nurse ang pakiramdam niya matapos siyang turukan, naloka ang mga netizen sa naging hirit ng komedyante sa nurse.

Narito ang conversation ayon sa post ni Ogie.

Nurse: Kumusta po ang pakiramdam nyo sir?

Ogie: ba’t po ganon?

Nurse: Ay baket po?

Ogie: Tinigasan ako?

Marami ang tawang tawa sa naging banat ng komedyante kaya naman umabot ng libu-libong reaction (likes) at mahigit 1.5K shares ang post niya na iyon.

‘Yun pala, ang ibig niyang sabihin ay nanigas ang kanyang talampakan na kanyang nilinaw sa comment section. Nanghinayang daw kasi si Ogie na hindi bitawan ang punchline niya sa Nurse na ikinatawa rin ng nasabing nurse. #DM

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.