SARA DUTERTE: ‘Personal health management’ ang sadya sa Singapore

Kinumpirma ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nitong Miyerkules (Abril 7) na siya ay nasa Sinagpore para sa ‘personal health management.”

Sa inilabas na statement ni Sara Duterte-Carpio anak ni Pangulong Rodrigo Duterte. Aniya, siya [Sara Duterte] ay naka-leave mula Abril 6 hanggang 10, 2021.

“I have a travel authority to Singapore from the DILG (Department of the Interior and Local Government). The reason is personal health management,” anang Alkalde sa kaniyang statement.

“All protocols for return to Davao City, including RT-PCR [COVID-19] testing and 14-day quarantine, have all been pre-arranged. Thank you,” dagdag pa ni Sara.

Sa pag-uulat na nakuha ng Diyaryo Milenyo mula sa GMA News, sinabi ni Mayor Sara Duterte-Carpio na siya ay nakalapag na sa Singapore nitong Martes (Abril 6) lulan ng Singapore Airlines flight.

Aniya, kasama ni Sara ang kaniyang anak, ang yaya nito at ilang miyembro ng Presidential Security Group.

Matatandaan nitong Setiyembre 2020, nag-file din ng weeklong leave si Mayor Sara Duterte-Carpio mula Setiyembre 28 hanggang Oktubre 5 sa magkaparehong dahilan.

Sa kasalukuyan, pinaghabilinan ng Alkalde ang kaniyang kapatid na lalaki na si Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte bilang acting Mayor ng Davao. #DM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.