[ni Rex Molines]
Sakabila nang katandaan at pagiging bulag ni lola Pendang, 80 anyos, ay hindi naging hadlang ang kaniyang kapansanan para gawin ang mga bagay na gusto pa niyang ipamalas sa lahat at makapagbahagi ng kaniyang mga ginagantsilyo na mga magagamit sa loob ng bahay o personal use na mga nilikha niya na crochet items.


Sa nakalap na impormasyon ng Diyaryo Milenyo mula sa kaniyang apo na si Mikko Kim Argudo, libangan na ng kanilang lola ang paggawa ng mga crochet items/stuffs gaya ng simpleng paggawa ng patungan ng tasa para sa mainit na tsaa, paggawa ng pitaka, mga iba’t ibang disenyo ng sapin para sa lamisita, at nagawa rin ng lagayan ng cellphone at marami pang iba.
Bagay na kinatutuwa ng kanilang mag-anak at nang mga nakakakita nito sa kanilang lugar.
https://web.facebook.com/mikkopoot/posts/4078963282154047
Aniya, mahigit 20 taon nang bulag ang kaniyang lola ngunit kailanman ay hindi nila ito nakitaan ng pananawa sa buhay, kahit na hindi na niya nakikita ang liwanag sa paligid ay maliwanag pa naman ang pag-iisip ni lola upang magpatuloy sa pagharap sa buhay.
Ayon sa kaniyang apo na si Mikko, ang mga nagagawa ni lola na gantsilyo at banig ay dulot ng katuwaan niya sa kaniyang mga anak at apo na nagbibigay sa kanya ng mga kagamitan upang maka likha ng wallet, butsaka, panapin, lagayan ng cellphone at laptop at ganun na din po ang mga banig na yari sa buli.
Patunay lamang si lola Pen na sakabila nang kaniyang katandaan at pagiging bulag ay masaya pa rin niyang hinaharap ang buhay at umaasa na sana ay matapos na ang pandemya sa buong mundo na nagpapahirap din sa mga matatanda na nagiging dahilan ng panghihina ng kanilang katawan. (Photo courtesy: Mikko Kim Argudo)
Fabulous work and incredible that the lady is visually impaired. Such skill ❤
LikeLike