AstraZeneca handang makipagtulungan sa FDA sa Pinas

Handang makipagtulungan ang British-Swedish drugmaker ng AstraZeneca sa Philippine Food and Drug Administration (FDA) upang tugunan at pag-usapan ang mga alalahanin tungkol sa rare side effects ng naturang na bakuna kontra COVID-19.

Nitong nagdaang linggo ay pansamantalang ipinahinto ang distribusyon ng pagbabakuna ng AstraZeneca sa mga edad 60 pababa na inirekomenda ng FDA dahil sa napabalitang blood clots na epekto nito sa ibang bansa na una nang nakapagbakuna.

Nakapagtala ng 86 blood clotting cases sa isinagawang assessment sa mahigit 25 million katao sa Europe na nabakunahan na ng AstraZeneca vaccine na nakitaan ng side effect at ito ay lumitaw sa mga 60 years old na kababaihan pababa.

Ayon sa World Health Organization na isa sa mga naging sanhi sa pagitan ng AstraZeneca vaccine at blood clots ay ang ‘plausible but not confirmed.”

Samantala, ang United Kingdom Medicines and Healthcare Products Regulatory Agency at ang European Medicines Agency na nakalista ang blood clots effect bilang “extremely rare potential side effect.”

“AstraZeneca has been actively collaborating with the regulators and is already working to understand the individual cases, epidemiology and possible mechanisms that could explain these extremely rare events,” saad ng drugmaker.

Ang Health authorities sa ating bansa ay hindi pa nakakakuha ng ganitong epekto sa mga taong nabakunahan na ng AstraZeneca. Aniya, nangako ang pamunuan ng kalusugan na patuloy silang magmomonitor sa posibleng epekto ng AstraZeneca sa kalusugan ng mga nabakunahan na sa bansa. #DM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.