
Grupo ng Healthcare Professionals, dismayado pa rin sa mga hakbang ng gobyerno kontra COVID-19

Inanunsyo kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque Jr., na balik MECQ o modified enhanced community quarantine na ang NCR Plus, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal simula ngayong araw, Lunes (Abril 12) hanggang Abril 30.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ngunit tila hindi ito ikinatuwa ng ilang mga eksperto dahil sa takot na muli na namang tataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19. At kahit niluwagan pa ang quarantine classification ay mananatili pa rin ang curfew sa buong NCR Plus at karatig probinsya, ngunit depende pa rin ito sa ordinansang ipatutupad ng bawat local government unit (LGUs) sa mga apektadong lugar kung saan mataas pa rin ang bilang ng mga nagpopositibo sa naturang virus.
Sa nakalap na datos patungkol sa case fatality rate sa NCR, tumaas sa 2.02% ang bilang ng mga namamatay sa naturang virus ngayong Abril 2021, kumpara sa nakaraang taon sa buwan ng Oktubre 2020 na may 1.8% lamang. Pinakamarami sa mga namamatay ay ang mga senior na edad 65 pataas.
May ilang beses na ring hiniling ng healthcare professionals alliance against COVID-19 ang ilan sa mga dapat na pagtuunang pansin ng ating gobyerno ukol sa pagharap sa nakamamatay na virus sa bansa. Ilan dito ay ang mga sumusunod;
– Bumuo ng accident management team
– Batas na magtutulak ng data sharing
– Istriktong pagpapatupad sa “apat dapat” at tamang ventilation measures
– Baguhin ang kasalukuyang vaccination rollout
– maglaan ng sapat na tulong para sa lahat, lalo na sa mga “at risk”
Bagama’t bumaba sa 1.24% ang average of reproduction o hawaan ng virus sa Metro Manila ay hindi dapat tayo magpakapante sa datos na ito na anumang araw o oras ay maari pa ring tumaas ito kung walang gagawing pagbabago sa mga aksyon ng ating gobyerno. #DM